MAX'S POV
Sa awa ng Diyos natapos din ni Violet ang kuwento ni Ms. Author. Kailangan kong magmadali ngayon. Kailangan kong makahabol para sa book signing niya. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone kaya minabuti ko ding tingnan na ito. Abah, si Violet.
"Yep, yep yep...I won't miss it, my friend." Hindi ko bibiguin si Violet sa pagkakataong ito. Maraming beses akong nangako na uuwi para sa kanyang book signing at ngayon lang...pagkalipas ng sampung taon ako nakauwi.
"Max, tingnan mo ang dinadaanan mo Iho..."
"Max, tama na nga muna 'yan." Sabi ni Hill at halos hablutin na sa akin ang hawak kong cellphone. Nasa likuran ko silang pareho. May mga airport security guard na nakaharang sa harapan kokaya paano ba ako madadapa.
"Tabi kayooooo!!!!" Sigaw ng naglalakihang guwardiya sa aking harapan. Dagsaan ang mga tao sa airport ng malaman nilang uuwi si Maxwell Oliveros.
Nasa exit na ang aking sasakyan. Nagmadali si Hill. Ipinagbukas ako ng pinto ng isang guwardiya na kanina pang nakaabang sa kotse. Una kong pinapasok si Mama saka ako sumunod sa kanya. Safe na ako sa loob. Napabuntunghininga ako pagkaupo at pagkasandal ng katawan ko sa backseat.
"Max, sigurado ka na ba?"
"Yes, Mama..."
"Baka naman, himatayin si Violet. Hinay-hinay ka lang Max."
"Basta ako lang ang sasalo sa kanya kahit himatayin pa siya ng ilang beses." Sabi ko. Busy na daw si Violet. Sa tapat ng bookstore sa SM Sucat ang book signing niya.
"Chosssss, hayan ka na naman sa mga over –confident mong sagot."
"Believe me, Mama.." sabay kindat ko kay Mama.
"Balita ko kay Tita Cherry mo, aalis daw si Violet patungong SOKOR kasi, 'yung ginawa niyang libro, mukhang doon kukunan at mga sikat na Korean Artist pa ang bida."
"Abah, mas sikat na pala si Violet kaysa sa akin ah. Anyway, how about going with her?"
"Sasamahan mo si Violet?" Gulat na gulat pang tanong ni Mama.
"NO, doon kami magha-honeymoon. How is that , Mama?"

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomansaA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...