VIOLET'S POV
Kinabukasan, halos ayokong kumilos sa aking higaan. Masakit ang ulo ko pero ayokong magpahalata kay Paris. Pinilit kong bumangon para maligo at mawala ang hang-over ko. Medyo masama na ang pakiramdam ko. Hindi ako makakilos sa loob ng banyo. Masakit ang puson ko. Delayed na ako ng limang araw, simula ng banggitin ko kay Paris na hindi ako dinatnan. Ngayong umaga ay naramdaman ko ang sakit ng aking balakang at puson. Halos umikot ang paningin ko sa sakit at nangangatog ang mga tuhod ko.
Kaya siguro ako naging masyadong emotional nitong nagdaang mga araw. Magkakaroon na rin pala ako ng monthly period. Ngayon lang na-delay ang menstruation ko. Iyak tuloy ako ng iyak sa loob ng banyo. Pulang pula ang inidoro dahil umihi ako. Maliligo na ako at talagang tumutulo ang dugo maging sa hita ko habang nasa ilalim ako ng shower.
"Violet....Angtagal mo." Lumalagaslas ang tubig sa ulunan ko. Narinig ko ang katok ni Paris.
"Saglit lang..." pero hindi ko mapigilan ang luha ko sa sobrang pagkadismaya. Hindi ko naitago ang iyak ko.
"Umiiyak ka ba?"
"Hindi..." Syiempre, sinikap kong tapusin ang panliligo ko. Pero nasa labas pala siya ng banyo ng matapos ako.
"Anong nangyari? Nasaktan ka ba? May masakit ba sa iyo? Nadulas ka ba?" Umupo ako sa kutson habang nakasuot ako ng bathrobe at nakapulupot ang tuwalya sa ulo ko. Umiling lang ako at sige ang iyak ko. "Bakit ka uminom kagabi?"
"Ha!...." Napapikit ako. Hindi ko pala nailigpit ang bote ng alak.
"Mag-uusap tayo sa baba. Dalian mo!" Lagot! parang galit si Paris.
Pagkatapos kung magbihis ay bumaba kaagad ako at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa bakuran namin. Tumayo ako sa gilid niya.
"Anong..."
"Bakit ka uminom?"
"Tinikman ko lang..."
"Hanggang dito sa bahay nagagawa mo nang uminom. Anong problema ?"
"Wala..."
"Bakit kailangan mong uminom kung wala naman palang dahilan? Anong pinag-usapan ninyo ni Max?"
"Paris..."
"Pinalalayo na ba niya ako? Pinapipili ka ba niya? Sinabi ba niyang sumama ka na sa kanya at iwan ako! Sabihin moooo!"
"OO...." Isinigaw ko ang sagot ko kahit anglapit – lapit lang niya sa akin pero napakapit ako sa kanya. Ramdam ko ang pagbulwak ng dugo sa aking ari. Napakapit ako kay Paris. Nangangatog ang tuhod ko. Masakit ang pakiramdam ko. Hindi na ako kumilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Nahimasmasan din ako at nandoon ang pag-aalala ni Paris. "Violet, anong masakit sa iyo? " Nakahiga ako sa sopa.
"Nagkaroon ako at medyo malakas ang menstruation ko. " Ipinasilip ko kay Paris ang aking puwetan.
"OO nga... May tagos ka..."Tuluyan akong napaiyak. Hawak ko ang kamay ni Paris. Iyak ako ng iyak. Bukod-tanging akala ko ay buntis na ako. Hindi pa rin pala. Ilang beses na naming ginawa pero bakit ganoon?
Ilang araw din akong nalungkot. Na-depress talaga ako. Pumapasok ako ng walang imik. Hindi ako lumalabas ng cubicle ko. Pagpasok ko doon, uwian na ako makikita ng mga kasamahan ko.
"Anong problema ni Violet?"
"Mabuti pang maging single , less complicated life."
"Kapag nakikipagrelasyon ka, kailangan ka ring maging handa sa pagsubok. Hindi puro sarap. May hirap din."
Tama iyon... kahit gaano kakomplikado ang mga bagay-bagay, masaya pa rin ako sa piling ni Paris. Masaya ako sa tuwing magkasama kami.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
