3RD PERSON'S POV
Binuksan ni Violet ang kanyang WPAcct. Tiningnan niya kung may mga followers na siya. Nang malaman ng grupo ni Red ang tungkol sa WattPad Account ko, may kanya-kanya silang mga suggestions sa akin.
"Maging follower ka muna, bago ka nila i-follow" Sabi ni Red.
"Pag may nag-vote o kaya nag-add sa reading list, mag-thank you ka; atleast ramdam nila ang sincerity ni Author" Ayon naman kay Rose.
"Mag private message ka sa kanila o kaya mag-post sa kanilang messageboard o kaya sa Make A Conversation " Sabi naman ni Caroline.
"Magpost ka lang ng kuwento mo dahil iyon naman ang gusto mong gawin. Don't count your vote . They may be a good number but always remember to continue writing and not counting. Write passionately but not to impress your readers." Sabi naman ni Jenny.
Comments from my followers...
BLUEBAE: Kasalanan 'yan ng mga Yokai.
Reply: HAHAHA YOKAI!YOKAI!
MERMAIDIA123: Huwag lang malalaman ni Max ang totoo...
REDHERMIT: I agree mga Mare...
LITTLEREDRIDINGHOOD: TOMOH! May kaibigan bang tulad ni Lara? Baka naman magka-inlababo silang pareho sa bandang huli. May update pa ba ito?
Reply: Wala na... Kaya nga isang linggong pag-ibig lang di ba?
LITTLEREDRIDINGHOOD: Ms Otor, bigyan mo naman ng konting hustisya ang ginawa kay Max. Ambad naman ni Bestie at ni Carla.
Reply: Uy, na-carried away siya.
LITTLEREDRIDINGHOOD: Kung malalaman lang ni Max, baka magalit siya kay Bestie.
Reply: Pssst! huwag kang maingay. Kapag nalaman ni Max... alam ko na kung sino ang nagsabi sa kanya.
LITTLEREDRIDINGHOOD: AKO ANG MAGSASABI... Hahaha...
Reply: Gusto mo bang maging boyfriend si Max?
GREENPASTURE143: Totoong tao ba si Max, Ms. Otor?
Reply: SECRET! Curious masyado si GreenPasture143....
GREEN PASTURE143: LOVE na ito....
Paulit-ulit na tiningnan ni Violet ang post ng message sa kanyang account. Okay, 10 followers will be good for now. May mga nag-vote sa 7 chapter-story na iyon kasi nga isang linggong pag-ibig lang naman. And what did I gain from it? Nagkatotoo ang break up nila ni Maegan.
Nakaupo siya sa sopa. Nakayuko at ngumunguyngoy sa kanyang kabiguan . To the rescue naman ako, bilang very supportive bestfriend. Wala nang ibang susuporta at magpapagaan ng kanyang kalooban sa sakit na kanyang nararamdaman kundi ako. Hindi ko sinasadya. Kuwento lang naman iyon eh at hindi ko kailangang ma-guilty.
Doon ko nakilala sina BlueBae, LittleRedRidingHood at GreenPasture143. Dati empty pa ang aking notification. Kunwari lang... pero ang totoo, hindi ko iniintindi ang mga notifications na iyon. Doon ko pala makikita ang comment nila kung mayroon man. Later ko na lang iyon nadiskubre kasi wala akong ginawa kundi , mag-post ng mag-post ng kuwento. Tuwing nagtsi-check ako, nakikita ko namang may nagbabasa pero walang masyadong nagbo-vote... Feeling ko, ayaw nila ang kuwentong iyon dahil ang vote ay katumbas ng pag-like nila sa akin. Hay, sad naman.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
