PRETENTIOUS LIFE

27 0 0
                                        

DOC'S POV



Hindi ko inaasahan ang gabing iyon. Nadatnan ko si Violet sa ganoong kalagayan. Kung gayun, nahihirapan siyang harapin ang hinaharap dahil sa pait ng kabiguan sa nakaraan.



Hindi ko siya pipiliting kalimutan si Max. Nakatatak na iyon sa kanyang murang isipan. Bata pa lang sila ay mukhang nangako na sila sa isa't isa. Pero mahal ko si Violet. Kung ano ang kayang kong ibigay, iyon lang ang gagawin ko. Mamahalin ko siya ngayon sa kabila ng katotohanang malabo niya akong mahalin.



Inangkin ko siya na parang una siyang naging akin. Sinimsim ko ang kanyang pagkababae na parang ako ang unang nagmahal sa kanya at nagturo kung paano umibig.



"Paris, bakit?" Tanong ko sa kanya habang magkatabi kami sa kama.


"Mahal kasi kita kaya ko nagawa ang lahat." Hinalikan niya ang aking kamay.


"Paano kung nagbalik si Max?"


"Kung mahal mo pa rin siya e di sumama ka sa kanya..."


"Paano ka?"


"Paano ako? Okay lang ako. Kompleto na ako. Uuwi na lang ulit ako sa San Juan at magpapacute sa mga probinsiyang kadalagahan doon."


"Patawa ka talaga!" Nagkatawanan pa kami habang magkadikit ang aming mga hubad na katawan.


"I love you, Violet."


"Don't expect me to say I do, Paris..."


"Yes, I know...Let me just say them to you over and over again until I get tired saying them"


"Napapagod din ba ang taong nagmamahal?"


"Hindi ko alam..."


"Kailan ka mapapagod sa akin?"


"Kauumpisa ko pa lang kaya wala pa sa bokabularyo ko ang mapagod at sumuko..."


"At kapag napagod ka na...iiwan mo din ako?"


"Hindi ko alam..."


"Bakit?"


"Dahil walang kasiguruhan sa mundo, Violet. May nangyari man sa inyo ni Insan, hindi iyon kasiguruhan. Mapagbiro ang tadhana kaya mahirap magtiwala."


"Ako pa lang ba ang naging girlfriend mo?"


"OO...puro kasi ako aral. NO time for lovelife...Violet, can I stay here with you?" Tumango siya at saka ako hinalikan.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon