MAX'S POV
Wala akong nagawa sa desisyon ni Violet. This time, hindi ako makapagreklamo. I was at fault. Wala akong karapatang magmagaling sa harap niya. Hindi niya ako kayang pakinggan kaya hindi rin niya ako maiintindihan.
I love Violet kaya sinunod ko ang lahat ng kondisyon niya. Lumayo ako sa kanya, iniisip ko na makabubuti iyon sa amin pero hindi kay Xamxam. Bata pa siya para maintindihan ang aming sitwasyon pati na ang bigat ng aming pinagdadaanan.
That Elisa is really sick. Mabuti at nahalungkat namin ang medical record niya and she is really is sick. Kakakasal pa lang niya pero heto, she is after me already. I see no resentment in her eyes. Talagang palaban siya at wala sa sarili.
Pinagtaguan ako ni Violet but when they got back from where they come from eh nagkaroon na kami nang komprontasyon. Hindi napigilan ni Violet ang kanyang emosyon. Matapos niyang sabihan si Mama na kunin muna si Xamxam ay saka kami dumiretso sa kanyang kuwarto. Doon niya ibinhos ang sama ng loob niya sa akin. Hindi na ako umilag. I am sorry for her. Kumalat na ang malaswang video at maaaring sa pagdating ng panahon ay makita din iyon ni Xamxam but I will definitely continue to love Violet.
Kahit isang libong sorry ang sabihin ko, ano ang magagawa noon sa malaking damage na maaari nitong gawin sa amin tulad ngayon. Muling nawalan ng tiwala si Violet sa akin. It would only mean that kahit sinuman ay maaaring magkamali ng paulit-ulit. And Violet may somehow be tired already. Palagi ko kasi siyang nasasaktan. Paaasahin at paiiyakin.
" Wala ka ng ginawa kundi unahin ang libog mo. Walanghiya ka! Nakakadiri ka!!! Di ka marunong mahiya. Ampogi mo!!! Ampogi mo!!! Dyan ka magaling!!!"
"Violet, sorry na..."Nagmakaawa ako. Pero sarado na ang puso at isipan ni Violet sa pagpapatawad. Umalis ako ng hiindi nagpapaalam kay Xamxam kaya hinanap niya ako at napatawag bigla si Violet. Pero ibinigay niya kaagad ang telepono sa aking anak.
"Xamxam, be good kay Mommy, okay! Ayokong magpapasaway ka sa kanya. Sorry, I went home early. I'll just come and see you next time."
Tangu-tango lang siguro siya sa kabilang linya. Sa hotel suite ako dumiretso at doon pala ako sinadya ni Mama. Sampal ulit at kataku-takot na sermon ang inabot ko sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Max?"
"Mama...huhuhu..." Alam kong hindi niya kao kakampihan. "Iiwan na yata akong tuluyan ni Violet. Ilalayo na niya sa akin si Xamxam."
"You should have learned your lesson a long time a go , Max. Anyway, mukhang sanay ka na. Mukhang hindi ka pa rin natututo kaya tanggapin mo ang hatol ni Violet. "
"Mama, anong gagawin ko ngayon?"
"Max, you have been there before..." Parang sinabi ni Mama na, hindi pa ba ako sanay sa sitwasyon ko.
Nilunod ko ang sarili ko sa alak. Iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Paano ako mabubuhay ngayon ng wala sina Violet at Xamxam?
Hindi lang iyon ang aking ikinasasama ng loob. Our wedding sa called off at ibinalik na niya sa akin ang aking singsing. I gave her that engagement ring. Napag-usapan na namin ang lahat at all were set. Tinatahi na ang damit para sa buong entourage. Nakapamili na kami ng motif, ng lugar ng reception pati ng simbahan, wedding singers at wedding planners. We are attending Pre-Cana Seminar. Kauumpisa pa lang namin.
Heto... everything is a disaster... Mukhang hindi yata talaga kami ang tinadhana sa isa't isa. At iyon ang hindi ko kayang tanggapin.
Walang araw na hindi ako uminom para lang makalimot. Nakakausap ko naman si Xamxam sa phone ni Mama Cherry pero hindi iyon sapat. Minsan ay tumawag ako pero sabi ni Mama ay may sakit ang bata. Hindi ko siya mapupuntahan kahit anong pakiusap niya. Ayokong magalit si Violet. Umiyak ako. Awang –awa ako kay Xamxam.
Until one night, kung ano na lang ang pumasok sa isip ko. Mag-isa lang ako sa loob ng hotel suite. Kabababa ko pa lang ng phone ng gabing iyon. Wala na akong pag-asa. Hindi sinasagot ni Violet ang mga tawag ko. Binalewala niya ako at hindi niya ako kayang pagbigyan. Kaya dala ng kawalang pag-asa ay minabuti kong wakasan na rin ang buhay ko. Wala na si Xamxam, wala pa si Violet kaay mabuting mawala na rin ako para wala na ring nagpapabigat ng kalooban niya. Binasag ko ang bote ng alak at kumuha ng bubog at hiniwa sa aking pulso. Tumalsik ang dugo sa carpet. Nahilo na ako pero heto biglang bigla akong tinawagan ni Violet...Si Xamxam ang narinig ko.
"Daddy, I have a nightmare. Please come home now, Daddy..." Ahhhh, anong ginagawa ko? Bakit ko wawakasan ang buhay ko dlaa ng kalungkutan? Lalong malulungkot ang aking anak kapag tuluyan akong nawala. At si Violet, tiyak na iiyakan pa rin niya ako sa kabila ng kawalang kuwenta kong tao. Alam kong mahal na mahal niya ako. Iyak pa lang ni Xamxam ay nataranta na ako. Sabay bukas ng pinto... Mabilis akong dinaluhan ni Hill.
"Ano bang ginagawa mo?" Sabi niya pero hinila niya ng telepono at dinig niya ang boses ni Xamxam. Impit ang iyak ko sa malaking kalokohang ginagawa ko ngayon. Tinalian niya ng mahigpit ang aking braso upang maampat ang dugo.
Matapos naming mag-usap ay nahilo na ako. Nagpatawag na rin ng emergency si Hill at isinugod na kao sa ospital. Sinikap niya maitago ang aking kalagayan dahil tiyak na pagkakaguluhan ako ng media. Ayokong mag-isip sila na kaya ko iyon ginawa ay dahil iniwan na ako ng aking pamilya.
"Umalis ka at bumalik sa London. Focus your mind. Work like you did before. And when Violet is healed. Comeback and reunite with them..."
"Hill..."
"Buuiin mo ang pamilya mo , Max. You deserved to have your own family. Pilitin mo si Violet na sumama sa iyo o kaya ay sumunod sa iyo sa London. Try and try and try until she finally forgive you." Pinakinggan ko lang si Hill.
Then , i have to decide now...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
