VIOLET'S POV
Umagang umaga pa lang ay nagagalit na si Mama. Nagising ako na may kausap siya sa telepono. Naupo ako sa harap ng dining table para kumain. Kasabay ko pa naman si Mavi. Pinapagalitan ako ni Mama.
"Violet, ano na naman ang kalokohang pumasok sa isip mo ha?"
"Bakit po ba?" Cool pa akong sumagot sa kanya. Umiling-iling pa siya ng makita ko at ngiting aso pa si Madir. "Bakit po?"
"Puwede bang ihiwalay mo ang personal na buhay sa imahinasyon mo?"
"Bakit nga po? Ano po bang problema?"
"Tumawag sa akin si Tita Cattleya mo..." So, I sensed that something must be wrong. "Ano na naman ang pinagsusulat mo sa bagong post mo sa Wattpad?
Muntik akong mabulunan. Humihigop pa naman ako ng kape.Napakunot ang noo ko. In denial ako. Ano nga bang mayroon sa Wattpad ko ngayon? Wala. Wala naman...Oppppssssss, teka. Hmm, ah siguro , Tita Cattleya is referring to my new post about the Max's Wedding...At ano ang dapat nilang i-react doon? kaya napabukas tuloy kaagad ako ng Wattpad account ko.
Bullshit!!!!! Katakut-takot na comments ang nakita ko. Aray ko...Hindi ko alam kung sino itong Max who is violently reacting on the story. Wait....wait... wait!!!!!
His name is Max too... At first inisip ko na maraming Max sa mundo. Nagkataon lang na paborito kong gawing character ang name na Max not just because my bestfriend is Max. He could just be a simple name of character, puwede naman di ba? (Palusot ko lang...)
Touch this and touch that sa screen ng aking tablet... Nagbukas naman ang bagong librong ipinost ko. Hayun, madami naman nagbasa pero wow ang comments ha! pero hindi lang basta comment. Mukhang may pinagkakaisahan ang mga followers ni Violet.
Let me see....OMGGGGGG!!!!! Hindi ako puwedeng magkamali... Sino itong nuclear reactor na ito? Sino ba kasing Max ito na kung makareact pati sina Mama at Red at nabulabog? Don't tell me...nahanap ni Max ang account ko. OMGGGG!!!!!
MAX@CODEVIOLET Hindi magic ang mga salita mo, Violet. Kung anuman ang pumasok sa kukote mo para gawin ang kuwentong ito...I tell you to stop it.
Is it Max Oliveros....as in si Max. Umiling pa ako pero pagbasa ko ng sumunod niyang comment. It is no doubt... it is really Max.
MAX@CODEVIOLET Ah ganoon... Naturingan kang author pero di ka marunong magpahalaga sa characters na ginagamit mo. Matapos mong sirain ang image ni Max talagang tinodo mo ha! Talaga bang galit ka kay Max????? Mabuti pang huwag ka na lang gumawa ng libro, Violet. Tigilan mo ang kahibangan mo...Paganahin mo na lang ang imagination mo at huwag mong isipin na pati ang buhay natin ay ginagamit mo sa pagsusulat mo.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...