VIOLET'S POV
Sa mga kaklase kong lalaki sa IV-MAHOGANY, si Harry lang ang nakikita kong potential na mabait at puwedeng maging boypren. Kapag wala si Max, siya ang nagtatanggol sa akin. Minsan, wala pa si Max ng oras na iyon. Pumasok ng maaga ang aming classroom adviser at pinag-usapan na ang class picture namin. Taon - taon naman kasi, may class picture talaga kami. Biglang tumayo si Olivia.
"Miss Menchie, puwede po bang huwag nang isama si Violeta. Nakakasira kasi siya ng picture. Baka pati mga anak namin pagdating ng araw ay mausog niya kahit sa picture lang."
Grabehang tawanan nang mga kaklase ko. Napayuko ako sa sobrang hiya. Si Harry Paulino lang ang hindi tumawa. Bigla siyang tumayo.
"Eh paano po kaya kung si Olivia na lang ang huwag sumama, Miss Menchie. Ayoko rin kasi ng kaklase na puro lang ganda pero masama naman ang ugali, bully pa."
Walang umimik. Natahimik ang lahat. Alam naman nila na mahirap banggain ang tulad ni Olivia. Hindi nagpasindak si Harry at hindi rin siya tinantanan ni Olivia. Nakatikim din ng pambubully si Harry pero ang siste pala, type pala ni Harry ang ganoong klase ng mga babae. Gusto pala niya si Olivia. Nang mapikon si Harry kay Olivia, sinunggaban niya ito ng halik. Kitang-kita ko ang ginawa niya. Sana ako na lang... Akala ko, siya na ang aking knight and shining armor...
Sa bandang huli ay naging sila....
At ako naman ang nagyaya kay Max ng inuman. Napadami ang inom ko at nabuking kami ni Mama. Pinagalitan kaming dalawa. Nagkalat ako ng suka sa loob ng aking kuwarto and this time, si Max pa rin ang naglinis ng pinagsukahan ko. Nasanay na daw siya dahil maging siya ay madalas maglinis ng kanyang pinagsukahan.
#walangforeversababaengnagdi-daydream
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...