MAX'S POV
Well, napagod din pala ako sa biyahe kaya ng mailapat ko ang aking katawan sa malambot na kama ay nakatulog ako ng mahimbing. Paggising ko naman, parang antok pa ako kaya natulog akong muli. Tinawagan ko si Red at ang barkada. Gulat na gulat siya.
"Red, kumusta na?"
"Huh, nakakagulat ka talaga ngayon Max. Nasaan ka ba at parang may time ka pa para tumawag sa akin."
"Secret! Kumusta ang barkada? Nagkita-kita ba kayo last Friday?"Tanong ko kasi Friday din kami dumating . Balak ko nga sanang pumunta at magbakasakali. Sayang nandoon daw si Violet. Tiyak na madaling araw na siyang nakauwi kaya wala pa siya sa bahay niya ng bandang alas diyes.
"Ano bang balita? Uuwi ka ba for Christmas? Ilang Pasko ka na naming hindi nakakasama ha!"
"OO nga eh. Don't worry baka malay mo this Christmas makauwi na ako..." Sabi ko pa. Nagpaalam siya ng marinig ko ang sigaw ni Rose. Mukhang nagsasama na ang dalawa sa klase ng tawagan nila. Nakakatuwa...sana ay ganoon din kami ni Violet.
Bumangon na ako at sumalo ng almusal kay Mama.
"O, anong balak mo ngayon?"
"Mama, pupuntahan ko po si Violet sa bahay niya."
"Fine, try your luck , young man."
"Thanks Ma..." Excited ako at halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makarating kaagad sa bahay ni Violet. Nakatayo na ako sa kanilang bakuran ng biglang may dumaan na matandang babae. Sinino niya ako. Nagbaba siya ng salamin.
"Abah eh...Teka nga, si Maxwell Oliver ba ito?" Sabi ng matanda.
"Yes, Ma'am..."
"Abah eh tingnan mo nga naman at makakasalubong ko ang sikat sa tapat ng bakuran ni Violet. Ano ba ang itinatayo-tayo mo dyan ha!" Tanong niya.
"May tao po ba dito? Dito pa rin po ba nakatira si...."
"Uy, Violet! "Sabay kaway ng matanda. "May naghahanap sa iyo..." Atsaka umalis si Mrs. Romero. Pinsan siya ni Mrs. Chang.
"Yes, Sir.... " Nakatalikod kasi ako sa garahe. Sumigaw siya at hindi lumapit. Dinig kong may sumigaw sa loob at tinawag ang pangalan niya. Paglingon ko ay bigla siyang nawala. Pumasok yata ng bahay...
Saka siya lumabas papalapit ng white fence..."Good morning..." Bati niya ng may ngiti.
"HI, VIOLET..."
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...