Minsan dumadating talaga siguro sa buhay ng isang tao na gigising ka isang umaga na parang hindi mo na gusto ang iyong ginagawa. Parang daily routine na gusto mong baguhin pero hindi mo alam kumbakit kailangan mong gawin. Naghahanap ka ng dahilan upang ipagpatuloy ang dati mo namang ginagawa ng walang reklamo. Parang gusto mong huwag munang kumilos. Iwan muna saglit ang lahat at magkaroon muna ng dull moments para mapaiba naman ng konti.
The term "nakakasawa na". Yun nga eh... bakit ba kailangan kong manawa kaagad eh ito ang aking ikinabubuhay. I gave up teaching and decided to become a full – time writer. Hindi ko na mapagsabay ang stress ng pagtuturo sa demands ng pagsusulat ng kuwento. Mas nai-stress ako sa mga followers ko kaysa mga estudyante ko at mga co-teachers na palagi akong sinisisi. Wala daw kasi akong ginawa kundi dumutdot ng dumutdot ng keyboard sa laptop ko. To the point na minsan, nakakalimutan kong may kailangan pala akong gawin. Eh sorry naman...
"Don't give up teaching para hindi mo din pagsawaan ang pagsusulat." Sabi ni Lalaine.
"Atleast, may regular income ka pa rin sa pagtuturo." Sabi naman ni Feliza.
Matagal ko ring pinag-isipan iyon hanggang sa heto...dito ako kumikita kahit paisip- isip lang at kahit magkaroon ako ng tinatawag na metacarpal syndrome dala ng sobrang pagta-type ko sa keyboard, ito ang silbi ng talentong nadiskubre ko na bigay sa akin ng Diyos. Hindi lang maging guro kundi balang araw ay makilala bilang writer. Well, ngayon ko lang naisip na exciting din palang maging writer kung saka-sakali. Naging kaibigan ko ang ilang kilala at sikat na author ng Wattpad pero mind you, wala pa akong binasang Wattpad Stories kasi sanay akong basahin ang kuwento sa papel at hindi sa device. Hindi kasi iyon uso noong mga panahon ko. Paulit-ulit kong binubuklat ang mga notebook ng mga drafts ko sa mga kuwentong nai-publish ko na sa Wattpad. Minsan kapag nakita kong palpak na ang tagalog ng kuwentong binabasa ko, tinitigilan ko na. Paano ba naman? Naturingang Pilipino pero hindi perfect ang kanyang tagalog tapos pinipilit pag-aralan ang lingguwahe ng iba. Sampal naman sa pagka-Pilipino ko iyon. Tapos kung anu-ano pang salita ang kumalat ngayon. Mga salitang pang-beki... may pak ganern! me-ganon... ene dew and the like... Echos! Churva, Chika! Chenes eklavosh... Hay ewan, ano na ba ang nangyari sa wika natin? Buhay daw ito. Patuloy na umuunlad, lumalago kaya ang ating diksyunaryo ay hindi lang basta Tagalog. Okay ,ganoon na nga ang nangyari... but as I was saying... nawalan na ako ng inspiration. And I feel like I am going to expire anytime soon sa pagsusulat. O mag-hiatus na lang din ako , magpaalam saglit sa mga followers at mag-graceful exit... then comeback later kung nahanap ko na ang aking sarili.
Baka kasi kapag pinilit kong magsulat, ma-feel nila na parang walang dating at walang kuwenta ang pinagsasasabi ko. Walang patutunguhan kundi puro kalokohan lang. And so, I have to decide. Iniligpit ko ang kalat sa aking mesa. Inilagay ang notebook sa dati nitong lagayan. Tinitigan ko iyon, isa-isang sinalat ng aking mga daliri ang bawat kuwaderno..."Babalik ako na buo at puno ng inspirasyon... Hindi ko naman iiwan ang mundong ito. Ito na ang mundo ko... I shall be back."
Nanatiling naka-power off ang pulang ilaw ng aking computer...
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...