MAX'S POV
Habang hinihintay naming magkamalay si Violet ay nagkaroon na rin kami ng bonding na mag-aama. Mas naramdaman ko ang kasiyahan na ligtas ng silang pareho kahit kabado pa rin ako sa kalagayan ng kanilang ina. Iba talaga kapag may kasama kang bata. Napapatawa ka sa simpleng kainosentehan nila.
Tinitigan ko si Mavi at kamukhang kamukha nga siya ni Violet. Napakapogi niyang bata. Kasimputi siya ni Violet. Mapupungay ang kanyang mga mata , malalantik ang kanyang pilik-mata at mapupula ang labi nito. Napangiti ako. Male version talaga siya nki Violet.
"Daddy..."
"Yes, Mavi..." Sa wakas, may anak na akong lalaki. Atleast may susunod na Oliveros na sa aming pamilya. "I want milk " Sabi ng bata. Himala ang pagkakaligtas sa kanya. Parang iniadya ng Diyos na makatulog siya ng mahimbing ng walang bali sa katawan. Pasalamat ako dahil mukhang wala siyang nakita sa aksidente. May ibang mga bata kasi na nadadala sa panaginip ang masamang nangyari sa kanila. Mabuti at si Xamxam ay parang wala din naman nangyari. Masiyahin pa rin siya ngunit nalulungkot kapag naaalala si Violet at si Mama Cherry.
"Daddy, are you going to say with us?" Hindi pa ako umimik kasi di ko pa rin naman sigurado talaga.
"Anong plano mo?" Tanong ni Hill pero hindi rin ako sigurado. Lahat ay walang kasiguruhan. Hindi ko alam. Hindi ako makapagdesisyon ngayon. Tuliro pa rin ang isip ko kasi di pa gumigising si Violet.
Tuwang tuwa ang mga bata ng magdala ng pizza si Hill. Alam na alam niya ang kiliti ng mga bata. Mayroon ding spaghetti kaya talagang hindi nila alam kung ano ang unang kakainin.
"Nag-abala ka pa?" Sabi ko.
"Para iyan sa mga anak mo." Iniabot niya sa akin ang styro. "Pakainin mo si Mavi..." Whew! First time kong magpakain ng bata. Nilagyan ko muna siya ng napkin sa dibdib para di siya madumihan at hindi mamantsahan ang hospital bed.
"Mavi, do you like?" Tumango naman ang bata. Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. Halatang like niya ang spaghetti. Maganang kumain ang bata. Si Xamxam naman ay pizza ang nilantakan pero napahinto siya ng biglang nagsipagdatingan ang kanyang mga kaklase na para bang may field trip.
Dinalaw na siya ng kanyang mga kaklase. Nagdala sila ng mga lobo at stuff toys para sa kanya. Tuwang tuwa naman si Mavi sa lobo at iyon ang pinaglalaruan niya habang pinapakain ko siya. Nandoon din naman si Mama para asikasuhin ang mga bisita. Medyo maingay ang kanyang mga kaibigan. Pero hindi ko sila sinaway.
"Natakot kami sa nakita namin sa TV." Sabi ng kaklase niya.

BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...