MAX'S POV
Pero hanggang ganito lang ako. Paikut-ikot lang ang kuwento. Manliligaw ako, sasagutin naman pero mababasted din after nilang ma-realized kung anuman iyon at bigla na lang silang mati-turn off sa akin. Iiwasan ako at tuluyan na nila akong ipagpapalit sa iba. Saglit lang ang kaligayan na iyon katumbas ng walang hanggang luha at kabiguan.
Hindi ganoon kadaling tanggapin ang kabiguan ng pag-ibig. Ilang linggo ko ring iniinda ang nangyari sa akin. Sinasamahan ako ni Violet para uminom, makalimutan ko lang ang mapapait na pangyayari. Nakikita niya akong umiyak dahil sa mga bruhildang babae na feeling magaganda, ke-papangit naman ng mga ugali . Inaapi-api lang ako at ginagawang alalay. Inuuto at ginagawang utusan samantalang I did everything for love.
"Hay naku, Max. Tama na nga 'yang pagsi-self-pity mo."
"Violet... huhuhu! Angsakit eh!"
"Ganyan din ang sinabi mo noong maghiwalay kayo ni Scarlet. Ano pang bago?"
"HWaaaahhhhh! Bakeeeeeet? Anong kulang? Ibinigay ko na ang lahat..." Napamulagat si Violet. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"TALAGA! Sino ang nakauna sa iyo? Hindi ka na virgin?" Sinapok ko siya kahit tumutulo pa ang uhog ko. Gusto kong iumpog ang ulo ko. Ganito talaga si Violet. Mahina ang pick-up. Para siyang wi-fi na mahina ang signal. Curious pa siya ng lagay na iyon.
"Tange! Alam mo, emote na emote na ako dito. Pambasag ka ng trip. Anong sinasabi mo?"
"Kasi sabi mo, "naibigay mo na ang lahat" . E di , ibig sabihin may na- ano ka na..." Lalo akong napaiyak kay Violet. Lintek na babaeng ito. Ginawa pa niya akong manyak. Hindi pa ako umaabot sa ganoong level. Ang hirap ngang mapasagot ng mga babae, ano pa kaya 'yong yayain ko sila sa motel at ipagkatiwala ang kanilang pagkababae? Ah, siguro kung mangyayari iyon, mahal na mahal na ako ng babaeng iyon nang higit pa sa kanyang sarili para ipagkatiwala ang kanyang pagkababae sa akin. Mahirap magka-girlfriend sa panahong ito lalo pa kaya 'yong makakasama mo habambuhay. Marami pa akong kakaining bigas. Marami pang babae ang magpapaiyak sa akin. Marami pa akong kabiguang mararanasan.
#walangforeversalalakingnagmamadali
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...
