BUSY BEE

26 1 1
                                    

VIOLET'S POV



Hindi ako huminto sa pagsusulat ng kuwento. Binanggit ko kay Paris na madami na rin akong naisulat ng kuwento under my name. Sinusuwerte lang kaya heto at kahit papaano ay naaaprubahan ang aking mga kuwento. Tiningnan niya ang bookshelf ko at kumuha ng libro doon pero hindi naman binasa.



"Uhm, bakit tahimik ang aking Mahal na Violet?" Agang –aga kasi ay nakatanaw ako sa labas ng bakuran at nakasalumbaba at may pagbuntunghininga.


"Ano ka ba? Ganito ako minsan kapag nag-iisip ng panibagong kuwento."


"So ,nag-iisip ka..." At tumango naman ako.


"Wala ka bang pasok ngayon? "


"Mayroon...How about you? What do you plan for today?"


"Wala...Dito na lang ako. What do you want for breakfast?"


"IKAW? Ngiyarrrr...." Ano daw? Bakit? Pagkain na ba ako ngayon? Tumayo ako at tumakbo sa kusina.


"Paris, tumigil ka ha! Isa..." Inikutan namin nang lababo. Iba kasi ang istilo ng aking kusina. Nasa gitna ang kalan, katabi ang lababo. Tapos nay center island ako at puwede ka ding kumain doon. Parang kusina ni Jessi sa Full House.


"Dalawa..." Sabi ni Paris... "Nahuli niya ako sa ref.


"Paris, tumigil ka nga... Gutom lang 'yan." Hahalik sana siya sa akin pero tumalikod ako at binuksan ang ref kaya nasubsob siya sa buhok ko. Kumuha ako ng dalawang itlog atsaka hotdogs. Well, iyon ang pinakamadaling iluto.



Habang nagluluto ako, nasa likuran ko si Paris. Parang noong nagluluto si DO MinJoon sa My Love from the Star. Nakayakap siya sa aking beywang at hinalikan ako sa aking leeg. OMG! Nakakadala ang kanyang halik. Very ideal... Parang kuwentong WattPad at pakikiligan ka. Natapos ko naman ang aking niluluto at kanina pa ring tumunog ang rice cooker. Luto na ring pareho. Inilagay ko ang mga kalat sa lababo pero pagharap ko kay Paris, dinikdik niya ako atsaka ako hinalikan. Panalo ang umagang ganito kainit ang eksena. Oh, Paris...Why the hell are you being like this to me?



"Mali-late ka na..."


"The vet is out pa..."


"Halika na nga at sasabayan na kitang kumain."


"Gusto mo bang manuod ng sine mamaya?"


"Gusto ko lang dito sa bahay, Paris. Come home early if you want." Sabi ko na lang dahil hihintayin ko siya. Matapos naming kumain ay umakyat ako sa kuwarto at humiga. Agang –aga bigla akong nawala sa mood. Para akong nalungkot ng walang dahilan.


"Violet, bakit?" Kalalabas lang ni Paris ng banyo at nakatapis siya ng tuwalya. "Buntis ka na?" Sabi pa niya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon