Si Max na naman ang ginawa kong character. Para bang wala nang ibang pangalan sa mundo kundi MAX. Lalo akong natakot. May omen yata ang iniisip ko lalo na kapag isinulat ko na. Pero hindi ko na mapigilan ang daliri ko. The ideas kept coming. Hindi ko maputol ang eksena sa isipan ko. Masyado akong excited kahit balak kong i-reconstruct 'yong iba kong kuwento.
Hinihingian na nila ng update ang isang kuwentong tapos na . Hindi nakapagpigil 'yong isa kong reader. Hindi ko alam kong follower ko ba siya kasi never siyang nag-post ng comment or request na mag-update ako sa kuwentong iyon. Pero ang haba ng comment niya. Lumalabas na lumaki na ang ulo ko in due time dahil madami na raw akong followers. Madami na ba 'yong 357 as of today kung 'yong iba nga eh halos libo na . Maliit na bilang para ikayabang ko di ba?
Masakit na nga kamay ko, puyat pa ako tapos ako pa 'yong tamad at busy- busy- han daw. Eh talaga namang busy ang teacher di ba? Kailan ba ako hindi naging busy. Kapag nakaupo nga ako eh busy ang utak ko at kamay ko kasi panay ang update ko sa WATTPAD. Heto ang napala ko.
Hindi kaagad ako makapag-react pero 'yong mismong followers ko ang bumanat ng maaanghang na comment sa kanya. Hindi naman nagmura. Cool pa rin sila. After awhile, nagkapatawaran din. Pero natahimik ako.
"Max... nasaan ka na ba?"
Nang magkahiwalay kami ni Max, lalo na akong naging hopeless romantic or rather helpless romantic. Hindi ko na alam kung matututo pa akong lumingon sa iba para magmahal. Maalala pa kaya niya ang sinabi ko sa kanya? Baka hindi niya ako narinig dahil tulog siya noon. Sana sinabi ko na lang sa kanya face – to – face para naman naka-move on ako.
"I love you , Max"
Iyon lang naman ang sinabi ko habang tulog na tulog siya at walang malay na nakayakap sa akin. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Inayos ang kanyang bangs para mas makita ko ang perpektong mukha ng isang perpektong prinsipe sa isang kuwento. Angtangos ng kanyang ilong.At ang kanyang labi, angsarap niyang papakin at pagpraktisan ng kissing scene.
"Masarap kaya siyang humalik?" Pumikit ako at bigla akong ngumuso.
"Ay , ayoko nga... Eh ano ba, Max... Tumigil ka nga... Matalik tayong magkaibigan, huwag ganito!"
Hellow, Violet... gumising ka. Okay ang mga linya mo. Ang totoo...Mas nangangarap ako... nananaginip kahit gising na gising ako. Hatinggabi na, nagbabaliw-baliwan lang ako sa tabi ni Max habang tulog na tulog siya. Kung gising lang siya, tiyak na tatawanan na naman niya ang kalokohan ko. Sabihin niya "Matulog ka na nga. Daig mo pa ang mga paniki...Ano na naman ang iniisip mo? Ako si Batman at ikaw siCatwoman" Hindi kaya bagay sina Batman at Catwoman... mas bagay sila ni WonderWoman...Parang di kami nanuod ng Superman vs Batman. Atsaka, hindi ako si Catwoman... Nakakainis !
Mahilig mag-sleep over si Max sa amin kaya doon ko nagagawa ang mga simpleng pantasya ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...