MY DREAM GIRL

14 0 0
                                    

MAX'S POV



Graduating na kami ni Violet kaya priority namin ang humanap ng girlfriend at boyfriend. It's the only thing na wala sa aming dalawa. Priority, dahil gusto na naming maranasan ang magkaroon ng significant others, ng special someone... Ganyan kami ka-praning ni Violet. Wala akong ginawa kundi manligaw sa sinumang babaeng magustuhan ko. Basta type ko, liligawan ko.



Yes, I had always dreamt of Carla to be my girlfriend. Nagbilang na ako ng kung sinu-sinong girlfriend. Ligaw dito, ligaw doon ang ginawa ko. Pero ni isa ay walang nagtagal sa kanila. May isang araw lang, dalawang araw, at pinakamahaba na ang kay Carla ng isang linggo.



Hindi ko alam kung ano ang kulang sa akin. Sa tingin ko naman ay hindi naman ako nagkulang sa pagiging seryoso dahil seryoso naman ako kung seryoso lang din naman sila sa akin. Sinipat kong mabuti ang sarili ko sa salamin.



Matangos ang ilong, nangungusap na mga mata, manipis at mapupulang labi, lalaking lalaki ang kulay ng balat ko, hindi ka-putian at hindi ka-itiman... Matangkad, matalino at alam ko, sa pagkakaalam ko, malakas ang sex appeal ko. May mga babaeng nagkakagusto sa akin pero hindi sila ang tipo ko. Well, tulad ng ibang kuwento, kung sino ang gusto mo, ayaw sa iyo at kung sino ang hahabul-habol sa iyo, iyon naman ang ayaw mo. Baliktad talaga ang mundo.



Ang gusto ko, ako 'yong tipong hahabul-habol sa babae. Ayoko nang ako ang hinahabol. OO naman, minsan na akong hinabol si Cassey. Napakagandang babae niya. Naman... kamukha niya si Seol Hyun, 'yong babae sa Orange Marmalade. Ang magandang bampira na iyon, imagine mong hinabol ako dahil patay na patay siya sa akin.



Kaya lang, kahit anong ganda niya... hindi pa rin siya ang tipo ko. Tipo kong babae ang tsinikita, maputi, long-legged, baby face at may mahabang buhok. Bonus na kung magiging loyal siya sa akin kahit marami pang magkagusto sa kanya dahil makakaasa siyang susuklian ko ng 101% faithfulness ang kanyang pagiging loyal sa akin.



Marami naman akong nakilalang babae tulad ng pagkakalarawan ko pero tulad ng sabi ng iba, hindi mo mahahanap ang lahat ng katangiang iyon sa iisang tao lang . May bukod tangi bang babae sa mundo na tulad ng sinabi ko? Ahh, sana nga mayroon. Kailan ko siya makikilala? Saang panig ng mundo ko siya makikita dahil susundan ko na siya para makapagpakilala ako ng personal sa kanya. Baka ako maunahan ng iba at mapalampas ko ang pagkakataon para makatuluyan siya.

HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon