PARIS' POV
Nagulat din ako ng bumungad si Max sa harapan ng bahay ni Violet. Nakita ko na lang na hinahalikan ni Max si Violet pero ako pa ang sinugod ng suntok. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko dahil nabigla talaga ako. Nasorpesa ako. Hindi pa sana ngayon ang uwi niya. Mukhang napaaga siya o talagang sinadya niyang hindi sabihin para gulatin kaming lahat. Well sa tingin ko ay nasorpresa din siya.
Naglabas ng sama ng loob si Violet. Dinig na dinig ko ang mga sinabi niya. Wala akong masyadong alam sa relasyon nila dahil nasa probinsya ako habang namamayagpag ang career ni Max sa modeling. Syiempre, nagkakaroon kami ng komunikasyon dahil kay Mama. Binabalitaan din kami ni Tita Cattleya.
Nagmamadali pa naman ako dahil may naghihintay na kliyente sa akin. Ihahatid ko muna si Violet sa publishing house tulad nang dati naming ginagawa.
"Mahal, awat na. Angdami mong nakain ha!"
"Alam mo, Paris. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kasama dito sa bahay kaya mas Ganado akong mag-almusal plus magaling kang magluto kaya nakakahiya naman kung kakain kang mag-isa. Thanks, Love." Sabay halik pa niya sa akin. Siya ang unang lumabas ng pinto. Nakita daw niya si Mrs. Romero sa tapat kaya siya bumalik. Paglabas ko , nagulat ako sa aking nakita. Nandito na si Max!
Pagkatapos nilang mag-usap ni Max ay nagmamadaling umakyat si Violet sa loob ng kuwarto kung saan ako naghihintay.
"Parisss, huhuhu...." Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Iyak siya ng iyak.
"Iiyak mo lang. Nandito ako at hindi kita pababayaan. Tandaan mo, mahal kita. Kung ano ang makapagpapasaya sa iyo, sundin mo ang iyong puso para di ka magsisi."
"Paris..."
"Hmm, mas mahalaga sa akin ang kaligayahan mo, Violet. Kung masaya ka, masaya na rin ako. I love you. Tahan na. Namamaga na ang mata mo. Teka, nasaan na si Max?"
"Ewan ko sa hayop na 'yon."
"Ssshhhh! ano ka ba? " Alam kong ngayon lang siya galit pero who knows baka magbago ang lahat pagkatapos nito. Hindi ako umaasa na magagalit siya ng matagal kay Max. Si Max pa eh bestfriend sila. Max is my bestfriend kahit bully siya. Never akong nagalit kay Max basta huwag niyang sasaktan ngayon si Violet dahil magagalit na talaga ako sa kanya.
Nagmadali akong bumaba. Nakita kong papalabas na si Max ng gate. Hinabol ko siya.
"Maxxxxx! Sandali lang...." Hinila ko siya sa garahe.
"Sorry, Insan." Sabi niya sa akin sabay tapik. "Hindi magiging madali para sa ating dalawa ang nangyari ngayon. Alam mong hindi ako ang tipo ng tao na madaling sumuko."
BINABASA MO ANG
HELLO MS. AUTHOR (COMPLETED)
RomanceA MinSul Story Napakadaling magsulat pero hindi ang maging isang magaling na manunulat. Madaming kuwentong puwedeng basahin ngunit hindi ang kuwento ng buhay ko. Madaming naging interesado sa aking mga nobela pero hindi sa tulad ko. ...