My Teleserye Lovelife

56.3K 428 35
                                    

My Teleserye lovelife

Ako yung babaeng never nagpalibre at tumanggap ng kahit ano sa mga nanliligaw sakin. Ayaw ko kasing sa bandang huli may isusumbat sila o magkaroon ako ng utang na loob. Para sakin kasi, accepting gifts from them is also giving them the hint na may chance sila. Which is, ayokong mangyari. Ayoko ng parang sinusuhulan. Ayokong nakukuha ako sa mga regalo gamit ang pera. Hindi ako ganun.

Ako yung babaeng hindi basta basta. Kaya nga siguro NBSB ako hanggang sa edad na 27.

Gusto ko kasing manliligaw ay yung makikita kong pinag hihirapan niya.

Then pagdating ko ng 28 tinutukso na ako ng mga kaibigan ko na tatandang dalaga daw ako sa sobrang pihikan ko. Sasagot nalang ako na, "eh sa wala pa eh. Kaya ko namang magka boyfriend kahit kelan ko gusto pero pinipili kong wag nalang kung hindi din naman karapat dapat."

Syempre natatakot din akong tumandang dalaga. Minsan naiisip ko, paano na ako pag tanda ko. Atsaka nagsimula narin akong mainggit sa mga kaibigan kong may karelasyon. Iba sa kanila kasal na, iba may anak na. Eh ako? Napag iiwanan na.

Naisip ko narin na "Hanggang pagiging abay nalang ba talaga ako sa kasal? Kailan kaya yung araw na ako naman ang ikakasal?"

Isang gabi nag dasal ako. Humiling. Never kong ginawa yun. Ang humiling para sa lalake? No. Pero feeling ko, kailangan ko na. Sabi ko sa kanya. "God, biniyayaan niyo ako sa loob ng 28 years ng buhay ko. Degree holder na po ako. Licensed Psychologist narin. At thankful ako dun. Pero alam kong awkward tong kahilingan na to. Sana ibigay nyo na po yung lalaking makakasama ko habang buhay. Please?" HAHAHAHA.

Kinabukasan papasok ako ng work, naglalakad sa ayala. Nang biglang may siraulong lalaki ang muntik tapusin ang buhay ko ng di pa nararanasang umibig. MY GOSH! Beastmode na beastmode ako! HAHAHAHA. 2 meters nalang ang pagitan nabundol na talaga ako. Nag laglagan lahat ng folders na hawak ko sa kalye. Kaya ako beastmode talaga, kinalampag ko ung kotse niya para bumaba siya. Pag baba niya. SHET. Nag iislow motion ang paligid. Parang may electric fan na nakatapat sa kanyang mukha. Parang may mga anghel na tumutugtog ng violins sa gilid ko. MY GOSH. Pag ibig na ba itu?

Lumapit siya. Pinulot lahat ng gamit ko. Ako tulala. Mala teleserye ang drama. "Miss, sorry. Kahit naka green light na at tumawid ka parin, sorry kasi muntik na kitang masagasaan. Okay ka lang ba?"

(me tingin sa traffic light: psssh oo nga greenlight na. tanga mo talaga nina)

Me: Okay lang. Thank you.

At tumakbo ako paalis ng pinangyarihan na hiyang hiya dahil ako pa ang galit pero ako naman pala ang mali. Lols. Pero grabe, hanggang sa office tulala parin ako at binabalik balikan ang pinakamagandang panaginip. Haaay. heart emoticon

Maya maya nagpa meeting ang boss namin sa office. Mag reresign na kasi at mag mimigrate na abroad. Ipinakilala niya ang kapalit niya. At hindi ko kinaya nang lumabas si Mr.Right ng buhay ko. Hahaha! Ang unang lalaking nakitaan ko ng signs na magiging sakin. Lol. At ako ang magiging assistant niya.

To make the long story short: Hindi ako nag pakita ng motibo kahit gusto ko siya. Syempre dalagang pilipina dapat tayo. Suplada effect dapat.

Third day niya sa office na late ako ng pasok. Nanood kasi ako ng concert the night before kaya tinanghali ng gising. Tinanong niya kung saan ako nakatira. Ang excuse ko kasi sobrang traffic kahit hindi. So tinanong niya nga kung taga saan ako. At sinabi ko. Pinasulat niya ang exact address sa papel ng pagalit.

Medyo natakot ako kasi nagkaroon siya ng impression para sakin na may pagka masungit pala siya.

Ayun, kinabukasan nag alarm talaga ako ng todo. Nagpa alarm narin ako sa mga kuya ko para gisingin ako. Pag gising ko at pagbaba ng sala shit yung boss ko nasa baba. Nasa harap ng mga kuya ko. Sinundo ako. Shit. Ako hiyang hiya. Takbo sa banyo ng dahan dahan para di ako mapansin kaso yung kumag kong kuya sabi ba naman "Hoy may sundo ka!" Edi no choice ako. Lumapit ako. "Sir napadalaw ka?" "Sinusundo na kita at susunduin na kita simula ngayon para di kana ma-late."

Kahit maaga pa ng isang oras sa usual kong pag peprepare ang bilis kong natapos kasi nakakahiya talaga.

To make the long story short again:

Way niya pala yun para ipafeel na gusto niya ako.

Dumadalaw siya sa bahay kahit weekends. May dalang kung anu ano at syempre dalagang pilipina, di ko tinatanggap pero yung mga kuya kong patay gutom ang kumukuha at kumakain. Tsk.

Three months nya nang ginagawa yun naging comfortable na akong sabihin sa kanya na, di ko gusto sa manliligaw yung puro regalo. Gusto ko pinaghihirapan ang panunuyo.

The day after, si boss jusko lord. Nagpaka maid sa bahay namin. Nag luto, nag linis, nag laba. Pinaglinis ng magagaling kong kuya ng banyo at inodoro jusko hiyang hiya ako. Yet, masaya akong nakikita siya na pinaghihirapan niya ako.

Weekends gigising ako, wala ng maruming damit kasi nalabhan niya na. Pero di siya marunong mamalantsa kaya dinadala pa niya ang maid niya sa bahay para mag plantsa ng mga damit namin.

To make the long story short again x2:

6 months. Ako ang alalay niya sa office, siya ang katulong ko sa bahay. Sinagot ko na siya.

After two years,

Now, I am proud to say na sa wakas whoooo! Naranasan ko narin magkaroon ng sariling kasal! HAHAHAHA! KILIGSS :"">

Sobrang thankful ko din kay God dahil tinupad niya agad ang hiling ko as in agad agad kasi the day after na grant niya na. Siguro binigay niya na talaga kasi lagpas narin ako sa tamang panahon. Hahaha. :""> He just gave the most special man and I am very grateful to have him in my life.

Nina 31 and married
199*
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila







The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon