I need love

1.5K 12 1
                                    

I need love

"Nakakainggit. Yung makakita ka either in person or sa social medias ng mga taong may nagmamahal sa kanila. Yung mga sinusurprise kapag birthday nila. Yung mga buo ang pamilya at masaya. Yung mga taong importante sa mga taong mahal nila. Ba't kasi ganun? I feel unimportant. Yung kapatid kong mas bata sa akin, hindi ako tinatrato as ate; he treats me as only someone he knows. Yung tatay kong walang kwenta na sugal ng sugal imbes na magtrabaho para tulungan yung mama kong nag-iisang kumakayod. Walang nag tetext sa akin or nag chachat na ""kamusta na?"" Or ""how's your day?"" Man lang bukod sa mama ko. Pag birthday ko walang regalong natatanggap. Mama ko lang din nagbibigay.
Nakakainggit yung mga taong masasaya sa buhay nila. Ako masaya naman ako, thank god sa mga blessings nya. Pero ba't nga ganun? Feeling ko konti lang ang may care talaga sa akin. Bilang. I feel unimportant. I crave for attention. I need it. I need someone to hug me; and in that hug I want to feel the warmth and the love of that person hugging me. "

Kreutzer
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon