UNANG KARANASAN
"sana ay tuluyan ng maisama ng pagtatapos ng taon ang kwentong ito.
unang taon ko noon sa feu ng mangyare ang ang pagkakamali na hanggang ngayon ay nais kong makalimutan. nagkaroon ako ng first experience ko, sa isang taong hindi ko kilala. siguro dala na din ng kuriosidad, nais ko talaga itong maranasan, nagkataon sa maling tao lang. pag unang taon ka pala talaga madalas wild ka pa, sobrang gusto mong maranasan lahat.
netong taon lang ng maging aware ako sa hiv. bumalik lahat sakin ang nangyare noong unang taon ko. alam mo yung self-assessment? ginawa ko yon. pilit kong inalala lahat ng nangyari sa akin matapos ang una at huling karanasan. makalipas ang dalawang taon, pilit kong inalala lahat. after 6 months noon naalala ko na nagkaroon ako ng sakit, diarrhea, ubo, maging tubuan ng mga patche sa balat, sore throat mga ganon. pakiramdam ko lahat ng symptoms ng hiv naramdaman ko. wala akong magawa, pakiramdam ko nasa katawan ko na ang virus.
pero doon mo pala maiisip, na pag nakaroon ka na ng mga nakatatakot na sakit tsaka mo lang maaappreciate ang ganda ng buhay, at ang mga tao sa paligid mo. natatakot akong humingi ng tulong kahit na kanino, dahil natatakot ako ng husgahan ako ng tao. pero dahil sa karanasan na ito natuto akong alagaan ang sarili ko. na mas pahalagahan kung anong meron ako, at namulat ako sa realidad.
na kailangan mong imotivate ang sarili mo na, di pa doon nagtatapos ang lahat. itong taon lang din ng magkaroon ako ng lakas ng loob, na humingi ng tulong. lumapit ako sa clinic natin diyan sa feu. maraming salamat po kay doc ninia at doc lala, hinding hindi ko po kayo malilimutan. sila yung taong meron ako sa panahon na sobra akong nahihirapan. sila yung nag papalakas ng loob ko na wala akong sakit. hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob ng magpasuri na, sabi nga ni doc lala hindi porket nagpasuri ka ay huhusgahan ka na ng mga tao, at hindi din ibig sabihin noon na may mali kang ginagawa.
nag pa-test ako, kahit na takot sa pwedeng maging resulta. ng lumabas ang resulta, negative. hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, hanggang ngayon. tinuturing ko ngayon ito na pangawalang buhay, kahit na ngayon may maramdaman lang ako na kung ano, natatakot pa din ako.
ganito lang yan, natututo tayo sa karanasan natin sa buhay, maging sa karanasan ng iba.
ito na lang muna, pero magpopost pa ko guys!!
"
wild
5412
Other
FEU Manila
