Baha na po sa amin..
"May bagyo kasi ngayon. Si Nona. Ayun, baha na dito sa may amin. Yung mga pusa ko meow ng meow kasi hindi sila makapaglamyerda. Nasa may lamesa lang sila sa may balcony(uy balcony, deh di ko lang talaga alam tagalog niyan) namin. Ayun, naiinis lang ako kasi ang daming kalat. Naiinis din ako kasi ang dami pa ding nagkakalat.
Ang ganda ganda ng school natin di ba? Ang tingkad ng kulay berde. Minahal ko ang inang kalikasan dahil sa school natin. Naalala ko yung freedom park. Ang saya ang daming puno. Kahit minsan tinatabasan ayan tuloy tagos ang sinag ng araw per carry lang. Maganda pa din sa paningin.
Huhu. Pero ang dami pa din nagkakalat! Nung isang araw, nasa jeep ako sa Quiapo papuntang Recto, may nakita akong kotse na umaandar ng mabagal tapos binuksan niya bintana niya para lang magtapon ng basura. Koya, daanan yon! Hindi basurahan! Anong problema mo?! Parehong araw din na yun, nasa bus na ako papuntang Greenhills, may matandang babaeng nagtapon ng balat ng tissue. Pwede naman munang ilagay sa bag. Ano mahirap dun? Isa pa yang mga gumagamit ng ATM na yan. Bakit niyo pa kelangan i-print yung receipt kung ITATAPON NIYO LANG?! NAGJOJOKE BA KAYO? Tapos yang mahilig kumain sa jeep. Pasimple pang ilalagay sa ilalim ng upuan yung pinagkainan niyo. Eh kalapit lapit ng basurahan. Lakas ng loob niyong makipagtalastasan patungkol sa eleksyon pero di niyo man lang kaya idisiplina sarili niyo pagdating sa mga kalat. (hindi lahat)
Sana kung gaano kalinis school natin maging instrumento naman tayo ng kalinisan sa labas. Para may tularan yung iba. Kaasar eh. Simulan natin sa hepalane. Para happy. Okay na ako. 2:37 am na. Tulog na din mga pusa ko. "
I'm a cat
2010
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila