Shattered
"I have a dream. Hindi ko nalang sasabihin particularly kung ano. As in dream na gusto ko as a career and passion. Yung tipong iniimagine ko na na someday alam ko sa sarili ko na eenjoyin ko yon kasi nga gusto ko yung gagawin ko. Diba nga if you will choose a job, choose what makes you happy. Para nag eearn ka na, masaya ka pa.
Eh eto ngayon. Nagsisimula pa nga lang ako parang wala na. Ginawa ko naman lahat. Faith? Meron ako nyan. Tinry ko na din nga mag novena atmag wish sa wishing candles infront of Quiapo. Earnest? I begged my parents na pagbigyan ako. Kahit na may problems pa kami ngayon, isiningit ko talaga yon kasi I believe na I just have to work hard and pray. As in gustong gusto ko talaga to.
Pero bakit ganun? It seems na i'm dreaming with a wrong dream all along. Yung pinagbuhusan ko ng effort, hindi pala para sa akin. Ang sakit lang na yung pinapangarap ko hindi pala nakatadhana sakin. Sobrang depressed ako non kaiisip pano gagawin kong step to reach my dream. Tapos eto na ngayon. Nasa first step pa lang,bumigay na.
Hindi ko tuloy alam if mangangarap pa ba ko. Nahihiya na kasi ako. Pinilit ko magulang ko para dito. Tapos nasayang lahat yon in just a snap. I didn't listen to people around me saying to me na, "Nako hindi bagay sayo yan." "Sure ka? Nahihibang ka na no.". Kasi I believe na kaya ko. Pero mukhang tama nga sila. Baliw nga lang talaga ata ako para ipagpilitan ang pinapangarap ko na kailanman hindi ko maabot.
PS. Can you give me advices on what should I do? I really pray hard every night,crying. Hindi ko alam ano na gagawin kong step. Kasi this is my first and last chance. Pero wala eh. __
"Cheng
2015
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila