Ego

1K 7 0
                                    

Ego

Alam ko ang password ng girlfriend ko at alam niya rin ang password ko sa facebook.

One day, nabasa ko sa filtered message na nag message yung ex niya sa kanya at iniimbita siyang makipag date knowing na may boyfriend na ang ex niya. Bastusan si gago. Minessage ko. Nag beastmode ako.

"Gago ka ah? Alam mong may boyfriend na nilalandi mo pa?!"

Humaba ang diskusyon. Murahan. Laitan. Pero yung huli niyang sinabi dun tapak na tapak ang ego ko.

"Kinama ko na yang girlfriend mo ng ilang beses! Tira-tira ko nalang yang napunta sayo kaya wag kang mag malaki! Nilaspag ko na syota mo!"

Ang sakit mabasa.

Sobrang nanginig ang kalamnan ko. Tinawagan ko girlfriend ko at tinanong kung saan ko mahahanap yung gago. Sinugod ko yung lalake sa tapat ng bahay nila. Binugbog ko.

Nagantihan ko man yung tarantado. Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi niya. Ang sakit lang talaga sa ego. Alam kong kapwa lalake ko lang ang makakaintindi sakin kasi usapang ego.

Mga pre, pano ba dapat kong gawin? Parang nag iba tingin ko sa girlfriend ko pero syempre mahal ko parin siya. Pero yung value parang nabawasan.

Tim
2012
Other
FEU Makati

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon