You should go and love yourself
In a relationship, there are times na feeling mo nagpapaka martyr kana. Kapag ang tagal niyang mag reply tatadtarin mo ng texts at missed calls, ma-late lang siya ng ilang minuto galit kana agad. Puro ka selos. Kahit anong explanations niya kahit reasonable naman ayaw mong tanggapin kasi close minded ka. Paiiralin mo ang init ng ulo mo. Pagsasalitaan mo siya ng masasakit o bibigyan ng cold treatment. Naiinis ka sa ugali niya. Sasabihan mo siya ng iresponsable dahil may mga bagay na gusto mo na hindi niya na nagagawa unlike before.
Then kapag nasagad na yung isa, iiyak ka. Akala mo ikaw yung aping api sa sitwasyon but the thing is, ikaw naman talaga yung problema. Masyado kanang clingy yet needy. Masyado mong pinaikot ang mundo mo sa kanya. Gusto mo kayong dalawa nalang sa mundo. Gusto mo nakatali siya sayo. Konting pagkakamali lang niya nag dadrama kana tapos pakiramdam mo ikaw na ang bida sa istorya kasi feeling mo ikaw ang martyr at pinaka nasaktan. Sobrang bitter mo sa kanya. Kahit ugali mo naman na talaga ang problema. Sobrang sensitive mo sa mga mali niya and at the same time insensitive ka sa nararamdaman niya. Hindi mo nare-realize na sarili mo nalang ang iniisip mo. Masyado kanang toxic sa buhay niya. Masyado mo na siyang sinasakal at marami ng nag be-break dahil sa ganyang dahilan.
Sa isang relationship kasi dapat marunong kayong intindihin ang isa't isa. Hindi yung magpapairal ka ng selfishness mo na puro sarili mo nalang ang iniisip mo pero sa nararamdaman niya wala kang pake. Pangit din yung linyang "Mas mahal kita" dahil dapat palaging balance. Sapat na yung mahal mo siya na ka-level lang din ng pagmamahal niya para hindi ka masisiraan ng bait kapag nawala siya.
Mag tira ka para sa sarili mo para kung sakaling iwan ka niya, may babalikan ka pa. Sabi nga sa kanta "Too much love will kill you."
FMDL
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila