Prof ako.Student ka
"Prof ako.Student ka.
Hi just want to share my one of the best memory when I was still teaching at FEU Tech.
Im not sure kung mababasa mo to or not pero sana hindi na. Gusto ko lang tong ishare kasi namimiss na kita. Sobra.
When you were still my student. Sobrang kulit mo. Nagpapapansin. Lakas mang asar at mang bara hanggang sa mamula ako. Palagi kang bumabanat sa akin at sayo lang talaga ako natatameme. Haha. Natapos na ung term and di na kita naging student ulit. One time, we bumped into each other and you asked for my number. And so we exchange texts. Wala lang naman yun sa akin kasi alam kong may gf ka and may bf din ako that time. Pag dating ng feb, bigla kang tumawag telling me nag hiwalay na kayo ng gf mo so I comforted you. Exchanging of messages continued until you asked me to join mass with you. Saktong pa ash wedesday un and that was the first time again we talked for so long. Surprisingly I got amazed with your personality despite my bad impression to you na chickboy, chick magnet and ma flirt. Haha peace! Pero sorang bait mo pala, religious, and family oriented.
Favorite nating tambayan ang mga benches near FEU chapel. Favorite natin kainan ang senyas. One day, nagkasakit ako and you gave me a bouquet of roses and medicine. Sobrang kinilig lola mo. Pero di pa din ako ngpapahalata. Mahirap ng mag assume. Pero grabe! Kinikilig talaga ako sayo! Sa lahat ng text mo, sa mga gestures mo. Minsan pinupuntahan mo pa ako sa klase ko ngpapapansin tas biglang magte-text "ang cute mo habang nag tuturo". Iba ung level na kilig. Last time ako kinilg nung highschool pa ata ako. Hanggang sa pinakilala mo na ako sa parents mo. Eh di sobrang saya ko nun and I even broke up with my boyfriend thinking for something good to happen between us. And then summer came, umuwi ka sa inyu and di na tayu nag kikita. Hindi ka na din nagpaparamdam. I cant help ask myself if seryoso ka pa ba? Anong nangyari? Or maybe u were just longing for a companionship dahil kakabreak mo lng ng gf mo. I was already confused. Hindi ko alam kung tatanungin ba kita or hahayan ko nalng. Hindi na ako mapakali and nakipag kita na ako sayo and I asked you what's wrong sabi mo busy ka lang and I have no choice but to ask you to stop communicating me . Tinanong mo bakit? ano ginawa mo? Sabi ko lang medyo complicated lang. Tahimik lang tayong dalawa nkaupo sa bench. And you insisted to continue our communication, medyu napa isip ako. But then I decided wag na. Baka saan mapunta to. Prof ako student ka. Alam nating bawal. SObrang gusto ko na umiyak pero pinigilan ko lng and we parted ways. That was the last conversation we had. SObrang sakit pala. SIguro I assumed too much na akala ko magiging tayo. HIniwalayan ko pa boyfriend ko para sa sayo.
I diverted my attention to other things and kept myself busy para makalimutan kita. Sobrang hirap kaya. Ang mahal pa namang ma move on! Haha kung ano ano nlang ginawa ko. Nag gym ako, nag travel, nag pa belo at lahat lahat just to bring back my confidence. And finally na ok na ako and classes resume again. And then we met. Nung una, awkward but you seemed to be fine na parang wala lang nagyari pero ako? Sobrang niiyak na ako that I wanted to hug you and tell you na "I badly badly miss you" pero hindi. Hindi na pwede.Wala ng bawian. So our friendship remained. Nag text text pa din tau pero casual nalang and pag may kailangan ka lang. Until Ive heard na u dated someone new so medyo nag lilo ako sau everytime you invited me out, dami kung palusot. Pero di din kayu nag tagal. Hahaha yes! So we hang out again pero as friends nlng talaga. Kaya tinaga ko na sa bato na friends lng tau! And then you told me again na you are dating someone new. I thougt baka di din kayu magtatagal but you seemed to be serious this time. The way you describe the girl, it was so serious and sincere. It hurt me a lot pero syempre I have to remain calm na para wala lang pero deep inside. "p*** parang seryoso na tung gagong to". Excited ka pa nga na ipakilala siya saken pero ang dami ko na namang palusot. Ayoko! Baka masaktan lang ako at di ko mapigilang maiyak pa. Until now, magkasama pa din kayo. Napakasaya nyo tingnan sa mga pictures and hanggang dun nlang talaga ung story natin. Sobrang sakit pa din until now but Im glad ive known someone like you. Ikaw lang naman nakapag bigay ng butterflies in my stomach. Wala mang nangyari sa atin but you were the best mistake ive ever had. Im happy na din na happy ka na. Ive been dating other guys na din pero wala pa din makakapantay sa yo. Ikaw pa din talaga ang laman ng puso ko.Xoxo,"
xoxo
2014
Other
FEU Tech (FIT)
