isMOLWORLD

1.6K 17 1
                                    

isMOLWORLD

"Ako si rime avelino di ko tunay na pangalan, isang 100% barakong lalake ( dati?) lapitin din ng chicks minsan at ako yung tipong takot lumapit sa mga bakla.
(Dito ko lang malalabas ang mga Natatago kong nararamdaman na naging sikreto ng pagkatao ko at mga hindi ko ineexpect na nangyari, admin sana po ma post to:-).)

may girlfriend ako.. 6 months palang kami pero ang lamig nya na sa akin..Kung ung dati pag may tampuhan kami isang msg mula sa kanya na parang teleseryeng binubuo ung binibigay sa akin. Pero ngayun daig nya pa ung taong nagtitipid mag txt..
Kaya minsan naghahanap nalang ako ng mga taong magpapasaya sa akin.. At siguro yun ang mga BARKADA KO.

(dati ni minsan di sumagi sa isipan ko na .. bakla ako?bading,gay,syoke, o sirena man! Simula lang nung dumating ung gagong lalaking nag palito sa pag katao ko)

Birthday ni joshua(isa sa barkada ko) nung dec.9 lang syempre di mawawala jan yung inuman..akala ko kami kaming 4 magbabarkada lang yung magiinuman..kasama pa pala ung pinsan ni joshua. pinsan nyang si caloy kasing idad ko lang din sya, dun din sya nakatira kala joshua..
habang nag iinuman kami .naka tingin lang ako kay caloy,di ko alam kung naiinsecure lang ako sa ka gwapuhan niya. o..Ewan!
Pero ang sarap nya ka kwentuhan di kayo mawawalan ng topic pag kausap sya...
Halos ma OP ung 3 kong barkada sa masayang pag kokwentuhan namin..10:30 na siguro kami natapos nun..
Hinatid nalang ako ni caloy sa motor single ni joshua.. dahil sobrang lasing narin si joshua..si caloy lang siguro di tinamaan..
-
Dumaan ang dalawang araw ..
nagtxt sakin ung girlfriend ko! exited kong binasa pero sabi nya sa txt ""(name ko then)ayoko na makikipag break na ako""
Txt back naman ako na""bakit ano ba pagkukulang ko""
Then reply nya-""di na ako masaya sa relationship naten""
then 4 mins muna ko nag emote -X-)
tapos tinawagan ko sya kaso nakapatay na-
Ung araw nayon gusto ko ng makakausap..
-
Pumunta ako sa bahay nila joshua, di ko alam kung ano nagtulak sakin doon para pumunta. Siguro para din makita si caloy? Ay ewan..
-
Nadatnan ko sila sa bahay nila nag chechess..at naki sali narin ako....(kwento dito kwento jan)ginabi na kami naglaro.
Habang biglang nag ayang pumunta ng nightmarket samin si caloy.
biglang sumabat si joshua ,""cge kayo nalang wala akong pera e""
Cge insan ako bahala sayo -sabi ni caloy- pero mapilit si joshua-
""cge cge kayo nalang magmumuka lang akong tanga dun saka nalang pag may pera nalang ako""

Kaya kami nalang dalawa nag punta-
sobrang saya grabe.. sarap nya kasama sobrang daldal-
-
Dumalas lagi ung pagkikita namin.siguro araw araw na kami mag kakasama.minsan naman pupunta ako dun sa kanila wala sya-nasa shota nya daw..
halos nga malimutan ko na ung girlfriend ko dahil yun sa kanya.parang nagseselos na nga ung iba kong barkada lalo na si joshua na pinsan nya..dahil si caloy na halos lagi ko kasama..
di ko nga alam kung nagkakagusto ba ako sa kanya o ewan..kasi pakiramdam ko,di ko lang sya makita ng isang araw..di kontento araw ko.
-
Nung isang araw lang- dec.22 martes- ung araw na yan- diko malilimutan-
-
hapon 4:00 pumunta sa bahay namin si caloy naka motor single. Nagpapasama sya sa akin pumunta sa shota nya monthsary daw nila.
Habang naka-angkas ako sa mutor papunta sa bahay ng shota nya.parang pamilyar sakin ung mga dinadaanan namin at parang nakita kuna..
Nagulat ako huminto na sya sa bahay ng EX ko..
Gulat na gulat ako kung bakit dito sya huminto-
bumusina sya at biglang lumabas ung EX ko-
-(speechless)ako staka ung EX ko..im sure gulat na gulat din sya.
Bumeso si caloy kay EX habang naka tingin sa akin Si EX..
--
GULAT NA GULAT ako kasi morethan 2 weeks ago plang kami break pero monthsary na nila ngayon!!?
Haayyy...di ko alam yung gagawin ko noong araw nayun..
-
Sinabi ko nalang kay caloy na...
Ge dre uwi nako para naman makapag solo kayo..araw nyo to e dre!.. sabay alis(sakay tricycle) di ko na hinintay pa ung reaction ni caloy kung bakit ako aalis.
-
Hangang ngayon di parin ako nagpapakita kay caloy...dahil hindi ko alam gagawin ko.kahit tawag ng tawag at txt ng txt sila sa akin..
diko parin alam kung alam na ni caloy ngayon-
--
Kung nababasa nyo lang ito alam nyo kung sino ako!
-
Salamat sa pagbabasa."

rime avelino
2
Other

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon