Hokage graduate

1.6K 17 0
                                    

Hokage graduate

"Gusto ko lang magflashback kung paano ko nahanap yung future wife ko. Hihi

Manloloko ako, manggagamit at higit sa lahat paasa. Ilang babae na ang naloko ko dahil sa mga malalalim at sweet messages ko sakanila. Last January 2014, naghanap ako ng pwede kong paasahin dahil malakas ang trip ko. Syempre dati pa yun. Nagbago na 'to mga pre. Going back. Edi yan naghahanap nga ako, kinabukasan sa room, Psych namin nun, yung kaibigan ko lumapit sakin, sabi niya

Nv
Siya: ui! Alam mo ba crush ka nung kaibigan ko nung highschool? Ang cute mo daw kasi *kinikilig*
Ako: ah ganun ba. Ano name niya?
Siya: si ano.. Si Rachel
Ako: ahh ano surname?
Siya: *sinabi yung surname*
Ako: ah sige sige

Napaisip ako na 'okay may biktima nanaman tayo.' Pero nawala sa isip ko ng ilang months yun dahil sobrang busy nun nung Midterms namin. Wala akong magawa nung mga panahong pachill chill na lang after ng exams. So I've decided to search her name sa fb. Tapos ayun nga nahanap ko naman at inadd ko siya. Wala pang ilang minuto inaccept niya agad. Edi lalo akong naganahan sakanya. Ako unang nagchat sakanya tapos nagrereply naman siya. Syempre kasama na dun yung getting to know each other. Nakalipas ang ilang weeks, tinanong ko siya kung pwede ba kami magkita. She said yes. Sa Mcdo kami nagkita nun. Edi kwentuhan kain ganun. Tapos hinatid ko siya sakanila. Kahit napakalayo ng bahay nila. Then, ako na gumawa ng first move. Sa chat

Ako: Rachel. May aaminin ako sayo
Siya: ano yun?
Ako: mahal na kita eh. Pano yan?
Siya: ah seryoso ka dyan?
Ako: oo. Mahal na mahal na kita
Siya: :""> ako din. Mahal na kita

Nagsimula na ang laro. Hindi ko siya minahal ever since. Bored na bored ako nung mga panahon na yun so pinatikim ko siya ng paasa mode ko. Edi yan. Siya yung unang nagppm, pinupuntahan ako sa school, nanlilibre. After 2 months, tinigil ko na. Naawa ako sa mga efforts niya dahil nasasayang lang sa akin kasi di ko naman naaappreciate at binabalewala ko lang. I broke up with her sa text. Naging kami pero siya lang nakakaalam. Odiba? Galawang hokage. Hanggang sa after ng breakup convo namin, di na kami nag-usap nun.

After ilang weeks, wala man lang akong kamalay malay na siniraan ako ni Rachel. Nung una, okay lang sakin. Pero habang tumatagal, I felt guilty as hell. Di ko na alam paano ako kikilos dahil grabe na yung tingin sa akin ng mga kaibigan niya tuwing nandun ako malapit sa tambayan sakanila. Kahit mga magulang alam nila yung kalokohan ko eh. Nagsisi ako at never ko nang inulit yun.

Habang nagrerehab ako sa sarili kong kalokohan, nakilala ko yung taong di ko akalaing mamahalin ko ng higit pa sa sarili ko. Itago natin siya sa pangalang 'Charlyn.' Siya yung sumalo sa akin nung mga panahong walang nagpaparamdam ng pagmamahal sakin. Mahal na mahal ko siya at mahal na mahal niya rin ako. Alam niya yung mga past ko dahil ultimate stalker ang ate niyo. But that didn't stop her for loving me. Inaaccept niya kung ano ako noon at lalo niya akong minahal dahil dun. ngayon malapit na kami mag anniversary. Walang makakapigil sa amin!! Kumontra na kayo kung gusto niyo. Hahaha. Next time ko na lang kkwento yung mismong lovestory namin. Pabitin muna ha. Hehe

Para kay Charlyn, hi baby! I love you! Humanda ka na, madaming kokontra satin :))) kiss emoticon"

Retired Hokage Master
2013
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon