Fine Arts Student Stereotype
"HI readers! First time ko mag popost dito
I am a Fine Arts Student Major in Advertising. Gusto ko ishare ang mga nakakapagod na pakinggan at paulit ulit ulit ulit na stereotypes na naeencounter namin.
* Stereotypes. Ang madalas/pamoso/famous/kilala/karaniwang sinasabi sa fine arts students
-Weird –I believe we are all weird in different ways.
- Math – hindi daw kami marunong mag math! MARUNONG PO KAMI MAG MATH AT HINDING HINDI NIYO KAMI MALOLOKO PAGDATING SA SINGILAN. Madalas binabarat pa kami pag may nag papadrawing dahil daw relatives,kaklase, kaibigan, or kaibigan pa ng kaibigan ng kung sino man ng kaibigan ko daw sila . Excuse me mga ateng! Walang relative fee at friendship fee ditto. Ang hirap kaya mag drawing. (may time din na sasabihin nila na "ang dali dali lang mag drawing tapos ang mahal pa ng singil" sarap I-bitch slap ng mga ganito)
-Work – excuse me! EXCUSE MEEEEE! (Mabibitch slap ko talaga mga nagsasabi nito.) Ano nga ba mga maari naming trabaho? Here are some: Layout artist, graphic artist, photographer, book illustrator, fashion design etc.
-Anime – hindi lahat ng fine arts student ay mahilig sa anime at marunong mag drawing ng anime
-hindi lahat ng fine arts student ay emo/goth at lalo na hindi kami depressed sa buhay namin
-piercings and tatts - ganito kami mag express ng sarili namin. Nagkakataon na sobrang artistic naming pati balat naming nagiging canvas.
-Tulala/Lutang – dahil hindi nakatulog ng ilang gabi para tapusin ang painting na deadline mamaya.
-kill joy – HINDI KAMI KJ!
-shiftees lair – medyo totoo. Madami akong kakilala na galling accounting, medtech, psychology, masscomm, tourism....etc. and if you ask them why? Dahil sa ito talaga ang gusto nila ever since. (yung iba sasabihin "madali lang kasi at nahirapan na ako sa una kong course" eto ang mga klase ng tao na ibbitch slap ko ng pagkalakas lakas. WALANG MADALI! NAGIGING MADALI LANG NAMAN YAN KUNG GUSTO MO AT DESEDIDO KA DYAN SA GINANAGAWA MO.)
-Mga tanungan –"Bakit ka nag fine arts? Saying naman." "ano magiging trabaho mo?" "edi magaling ka mag drawing" "may mga nude drawings kayo? Live model ba? Ano naffeel mo pag may nakahubad sa harap mo?"....etc. (nakaka facepalm itong ganito)Minsan nahuhurt din ako na kapag sinasabi ko na galling ako IARFA at Finearts student ako sasabihin nila "Bakit hindi ka nalang nag Arki?"
Palagi ko man marinig itong mga ito hindi pa rin ako nagsisisi na nag Fine Arts ako smile emoticon"
Just a Random IARFA girl
2013
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila