Hanggang Panaginip na nga lang ba?

2.4K 25 1
                                        

Hanggang Panaginip na nga lang ba?

"Admin, Pa-post po nito. please? First time lang kasi mangyari sakin to. Pasensya na kung mahaba. salamat po. Godbless! smile emoticon
_____

Pagkatapos manuod ng fireworks, niyakap niya ko mula sa aking likuran at sinabing,

"Alam mo, mahal na kita..."

*Ding.. Dong*

Nagising ako dahil sa malakas na doorbell sa unit namin. Napagtanto ko, panaginip lang pala ang lahat. Panaginip lang pala yung panahong magkasama kami sa isang event sa FEU, nag-uusap, at nagtatawanan. Panaginip lang pala yung nakapartner ko siya sa isang sayaw. Panaginip lang pala yung magkahawak kami ng kamay habang nagsasayaw.

Naalala ko bigla, sa aking panaginip, tinanong ko sya,
"Normal lang siguro talaga sa mga lalaki yung hawakan ang kamay ng mga babae noh? Hindi kayo kinakabahan, at higit sa lahat, sanay na kayo."

Nagulat ako sa isinagot niya,
"Oo normal yun sa aming mga lalaki. Pero nung hinawakan ko yung mga kamay mo, iba yung naramdaman ko. Bigla kong kinabahan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nagkaroon ng nagliliparang paru-paro ang tiyan ko. Weird dba? Ngayon, alam mo ba ang ibig sabihin nun?"

Ako: Huh? Di kita maintindihan?

Siya: Wala. Hahaha. Secret. :')

Pagkatapos ng sayaw. Nagtampo ako sa kanya. Ayaw niyang sabihin o ipaliwanag ang mga narinig ko sa kanya kanina. Hindi kami nagpapansinan. Hanggang sa patapos na yung event at balak ko na sanang umuwi. Sinabayan niya ko sa paglalakad at sinabing, "Magkapartner tayo diba?" at saka niya ko nginitian
.
Nagulat ako nang biglang magkaroon ng fireworks. Masaya. Sobrang saya naming pinapanood ang fireworks. Nagkikilitian at nagtatawanan. Natapos ang fireworks, niyakap niya ko mula sa aking likuran, at sinabing, "Alam mo, Mahal na kita."

PERO PANAGINIP LANG ANG LAHAT NG IYON DAHIL NGA NAGISING AKO SA NAGDOORBELL SA UNIT NAMIN.. NOONG NAGISING AKO, NANGHINAYANG AKO AT HINILING NA SANA HINDI NA LANG AKO NAGISING MULA SA PANAGINIP NA YUN. PERO SA KABILA NUN, ABOT HANGGANG TAINGA ANG AKING MGA NGITI. HINDI KO MAKAKALIMUTAN ANG TAONG IYON SA AKING PANAGINIP DAHIL SYA ANG TAONG KASALUKUYANG NAGUGUSTUHAN KO. UNANG BESES KONG NARANASAN AT NARAMDAMAN ANG GANTONG FEELING. SOBRANG KAKAIBA. NAKAKAKILIG SABI NGA NILA.

Sinasabi ng aking mga kaibigan na, "Sa Tingin namin, gusto ka rin niya." Iyon ay dahil sa mga ipinapakita niya. Yung tipong lagi ko syang nahuhuli na tumitingin sakin. Kung hindi naman, ung mga kaibigan ko yung nakakahuli. Ayokong mag-assume. Una sa lahat, dahil baka wala naman talaga. Pero gusto ko sya. Kaso nahihiya ako sa tuwing kinakausap niya ko. Nararamdaman ko na nahihiya rin sya dahil sa paraan ng pakikipag usap niya sakin. Marami daw kaming pagkakapareho base sa obserbasyon ng mga kaibigan ko. Meant to be daw kami. Pero ayokong umasa kasi nga masakit. Pano kung wala naman talaga siyang nararamdaman para sakin, dba? Paano kung kabaligtaran pala ng panaginip ko ang mangyari? Paano kung, iba pala ang gusto niya? Masakit. Sobra.

Ngayon, ang tanong ko sa puso ko, sa isip ko, at kay Lord,

Hanggang panaginip na nga lang ba?"

Dream
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon