Sobrang protective
Ako lang ba dito yung kuya na sobrang protective sa babaeng kapatid nya? I mean sa sobrang protective ko, pag nasa school ako pinapapicture ko pa sa kanya yung mga gamit sa bahay namin at isesend sa messenger para maniwala lang akong nakauwi na sya galing school o galaan. OA ba masyado? haha tas kelangan sa tuwing aalis sya may mga picture sya ng mga kasama nya para alam ko kung may lalaki o wala grin emoticon lagi ko pa sa kanya sinasbi na hanggat di pa sya nakakagraduate, kami muna ni erpat ang lalaki sa buhay nya, ayun na tatameme na lang haha! Kaya ayan lahat ng gustong manligaw sa kanya umuurong na lang bigla muahaha! dahil tuloy sa pinaggagawa ko nag aaway kami. Pero gusto ko lang naman sya talagang protektahan, nagiisang babae eh feeling maganda pa haha joke maganda talaga kapatid ko, gwapo kuya buwahahahaha! de chaka sympre bilang lalaki alam ko yung kalokohang pinaggagawa ng kapwa ko, Kaya siguro ganun ako sa kanya.So yun lang folks, naboboring kasi ko dito sa pinuntahan ko kaya nagshare na lang ako sainyo. HAHA [deleted due to time element]
Bored 2014 Other FEU Tech (FIT)