MISTAKEN

2.3K 20 0
                                    

MISTAKEN

"Hi. Share ko lang 'tong experience ko kahapon sa CR sa 4th floor ng Annex Building.

Maaga akong nakarating no'n sa classroom kaya naisipan kong mag-CR muna. Dire-direcho lang ako. Ako kasi yung klase ng tao na parang laging nagmamadali. Umihi ako tapos nanalamin ako pagkalabas ko ng cubicle. Laking gulat ko nang may lumabas na lalake sa isang cubicle. Nagkatinginan kami lol. Mukha syang bakla so naisip kong masyadong feeler si koya. Echosera masyado, sa CR ng babae umiihi. Lumabas na ako kaagad ng CR tapos tinignan ko ulit yung signage sa pinto. Tangina ako pala yung mali HAHAHAHA!

Andami pa namang tao no'n sa hallway sa labas ng CR. At tila nagulat din sila. Na-confuse siguro. Flat-chested pa naman ako at parang lalake din ako kumilos tapos naka-PE uniform pa 'ko. Hahaha!

Kaya mga girls, ingat-ingat ah. Baka mamaya, bigla kayong ma-rak dahil sa pagpasok sa maling CR hehe

Yun lang. Maraming salamat sa pagbabasa :))

P.S. Tinignan ko po yung signage sa pinto bago ako pumasok sa CR. Pero mukhang malabo na yata paningin ko HAHA"

Ryzza Mae
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon