Not a typical wedding story

1.7K 31 0
                                    

Not a typical wedding story

Hindi pa kami handa noon. Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko. Pati narin sa magulang niya. Although legal kami both sides at anim na taon na kaming nagsasama. Graduating palang ako nun. Hindi pa nakakapag martsa. Takot ako sa mga nangyayari. Sa sasabihin ng mga tao. Kinausap ko ang boyfriend ko habang umiiyak at gulong gulo.

Ako: Mike, buntis ako.

Siya: Ha?

Ako: Buntis ako.

Siya: Tatay na ako?

*tumalon siya sa tuwa at naluluha*

Siya: Bat parang hindi ka masaya?

Ako: Hindi pa ako graduate. Anong sasabihin nila mama? Hindi pa tayo kasal pero buntis na ako? Pano ako mag mamartsa? Natatakot ako. frown emoticon

*hinalikan niya ako sa noo, niyakap, hinila at isinakay sa kotse*

Ako: San mo ako dadalhin?

Siya: Papakasalan kita ngayon.

Bumili siya ng singsing, dinala niya ako sa simbahan na kaming dalawa lang at ang paring magkakasal sa amin. Inasikaso niya ang lahat. Natapos ang araw na kasal kami. Napaka bilis ng mga pangyayari. Parang isang iglap apelyido ko na ang apelyido niya.

2 years after, graduate na ako nun, nanganak na rin ako, gumawa siya ng isang surprise food party sa bahay namin.

Nagulat ako dahil pag dating ko ng bahay galing trabaho nandun ang parents ko, parents niya, mga kaibigan, at college friends namin. Lumuhod siya sa harap ko. Lumapit ang anak namin na hawak ang isang box. At tinanong niya ako..

"Honey, will you marry me, again?"

Naluha ako sa tuwa. Nakikita ko ring naluluha ang mga parents namin at mga kaibigan. Naalala kong tinag ko siya sa isang video ng kasal ni Carmina Villaroel at Zoren. Alam niyang nangangarap ako ng isang kasal na kasama ang lahat ng mahal namin sa buhay. Hindi ko inexpect na gagawin niya pa yun. Sobrang swerte ko sa asawa ko.

Jackie
2008
Institute of Education (IN)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon