Philosopher
"Normal day sa Philosophy class namin.
(Non-Verbatim)
Philosophy Prof: Bakit kayo nag aaral?
Classmate1: Para makatapos po sir.
Philosophy Prof: at pagkatapos mag aral?
Classmate2: Para makapagtrabaho po.
Philosophy Prof: Bakit kelangan magtrabaho?
Classmate1: Para magkapera sir.
Philosophy Prof: Bakit gusto niyo magkapera?
Classmate3: Para sir makabili ng mga bagay na gusto namin sir.
Philosophy Prof: Bakit?
Classmate4: Para masatisfy po sir.
Philosophy Prof: Exactly! Para masatisfy, diba? Bakit kelangan niyo pa mag gugol ng mahabang panahon para lang masatisfy kayo? Eh kung may shortcut naman. Contentment. Oo, Contentment. Bakit pa kayo magpapakapagod at magpapakahirap mag ipon ng pera, eh kung pagtanda niyo, yung inipon niyong pera ipang bibili rin ng mga gamot at pampaospital, sa sobrang pagpapahirap niyo sa sarili niyo.Bilib na bilib ako dito sa prof. ko na 'to. Hindi ko alam kung bakit pero, every class na may sasabihin siya namamangha ako. Sa kanya ko lang din nalaman na pwedeng rason sa annulment yung maliit yung tutut tsaka maluwang yung tutut. Hahahaha!
P.S. Example lang to sa discussion namin about ata kay Socrates
P.P.S. Di naman sinasabi ng prof ko na wag na mag aral. Ang pinupunto niya lang eh yung sa health of the soul."
Ex-Tamaraw
2013
Other
FEU Tech (FIT)