Tips

1.4K 13 0
                                    

Tips

Alam kong marami ang myembro mg kagaya ko. Kaya heto ang mga naisip kong tips kung paano niyo mapapapayag ang crush nyong makipag date sa inyo sa Feb. 14.

Crush mo sa internet. Mahirap kunin ang tiwala nila. Mahirap din silang mapapayag kaya dapat wag creepy ang dating. Dapat tropa-tropa muna galawan;

Itanong muna siya.;

"Hi! San ka sa Feb 14?"

Kapag sumagot ng wala sa bahay lang. Sabihin mo..

"Tara kain tayo sa labas para di naman tayo forever alone. Alone na nga ako araw araw pati ba naman sa Feb14. Sabay nating pag papakyuhin yung mga couples sa kalye. Hahaha!

Siya: Bakit naman ako sasama sayo? Sino kaba? Di nga kita kilala.

Sagot: Ako nga pala si *yourname* taga *your place* at hindi po ako manyak. Haha! Kaya wag kang mag alala." (line from That thing called Tadhana)

Crush mo pero kaaway mo. Dapat mabilis ka. Dapat medyo mapapatawa mo. Pakikiligin mo.

"May ka date ka na sa Feb14?"

Kapag sinabing wala..

"Buti naman."

Siya: Baket naman aber?!

"Kasi naka reserba ka talaga para sakin. Date tayo."

Kapag umayaw..

"Ikaw na nga ililibre ayaw mo pa?! Joke! Peace offering narin yun. Sorry na sa lahat ng nagawa ko ha? Parang awa mo na. Bati na tayo. So sa feb 14 sunduin kita. Bye. Labyu!"

Crush mong tropa mo o bestfriend mo. Simplehan mo lang para hindi agad malaman na may lihim na pagtingin ka.

"May ka date kana sa Feb 14?"

Kapag sinabing wala..

"May gift certificate kasi ako sa *name of resto* for two. Wala ko kasama. Tara tayo nalang. Sayang din yun eh balita ko masarap pagkain dun."

Crush mong kaklase mo lang. Di kayo close.

"May date ka ba sa Feb 14?"

Kapag sinabing wala..

"Ah. May itatanong sana ako sayo dun sa isang subject natin di ko kasi magets pwede mo ba akong turuan? Libre kita ng food on that day don't worry."

Crush mong schoolmate mo lang at di ka niya kilala. Dapat hindi ka mukhang stalker na magmamakaawa. Medyo presko dapat since same school naman kayo.

"Hi! San ka sa Feb 14?"

Kapag sumagot ng wala. Sa bahay lang.

"Tara date tayo."

Siya: Bakit? Sino ka ba?

Sagot: Ako lang naman ang mag aalaga sayo hanggang sa pag tanda mo. Kaya kung di ka papayag, *kunin mo yung kamay* sabi ng palad mo tatanda ka raw dalaga kaya dapat pumayag ka. Ikaw din sige.

---

Kapag na-reject parin ng crush mo dahil sa pagiging stranger mo. Last option is, magpa awa effect. Konsensyahin mo. No choice. Kainin ang ego.

Sagot: Ouch. Akala ko kasi kahit isang araw pwede kang makasama. Sa totoo lang, kung papayag ka? Para narin akong nanalo sa lotto. Ako narin siguro ang pinaka masayang lalake sa araw na yun. Kaso wala. Ayaw mo. Siguro busy ka sa araw na yun. At as usual, mag isa nanaman ako. Sige frown emoticon

Team Sawi
2011
Other
FEU Diliman

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon