Confused
By the way baka pagdudahan nyo po agad gender ko sa dahil sa title, but I'm straight. Opo sure po ako, lalaki ako. In fact ang ishshare kong story is about how I end up asking myself kung ano ba gusto kong mangyari saken at sa commitment na pinasok ko. I'm in a 4-year relationship. We're together since I was in 4th year high school. Ngayon, graduating nako. I never imagined na tatagal kami ng ganto. On&off kasi kame. Sobrang dami kong naging kasalanan sa kanya pero she kept on forgiving me and accepting me. Iknow mahal nya ko. Mahal na mahal, kaya siguro ako naging pasaway kase at the end of the day, alam ko namang papatawarin niya rin ako. Pero ngayon, I tried my very best to be loyal to her. At Oo kinaya ko. Kaya ko naman pala eh. Pero dahil nga sa sobrang dami kong nagawang kasalanan sa kanya, sobrang naging paranoid siya na kahit wala naman akong ginagawang masama, eh lagi siyang tamang hinala. Pero hindi ako nagalit sa kanya. I know it's my fault kaya iniintindi ko na rin siya. Kase mahal na mahal ko siya. At masaya ako kase hanggang ngayon, magkasama parin kami. Until oneday, tinanong ko sarili ko kung masaya nga ba talaga ko. Masa ba ako? Oo, masaya pa naman ako eh. So eto na nga, i have a girl friend. Yes, babaeng kaibigan na nakilala ko during my first year in college. Naging magkaibigan kame and we became very close to the point na halos lahat ng nangyayari samin ng girlfriend ko ay shinishare ko sa kanya. Most of the times sa kanya rin ako humingi ng advice kapag nag aaway kami ng gf ko. Ayun nasanay nako na sa tuwing may away kami ng gfko eh siya yung tinatakbuhan ko. Kilala naman siya ng gf ko, pero di niya alam na ganun kami ka close nung friend ko. At dumating yung point na nagselos na yung gf ko sa kanya kase lagi ko talaga siyang kasama. Actually mas madalas ko na siyang kasama kesa sa gf ko dahil magkaklase kami since 1st year hanggang ngayon. Lagi ko rin siyang kasamang manood ng UAAP games kase yun ang hilig namin pareho. Yung gf ko kase, hindi mahilig sa basketball games. Pinalayao ako ng gf ko sa kanya. Na sinunod ko naman agad kase ayoko nang magalit siya saken. Pero after few weeks, hindi ko na naresist. I confronted my friend at sinabi sa kanyang pinapaiwasan siya sakin ng gf ko. Sabi niya naman alam naman na daw niya at okay lang daw yun. Pero ayon, hindi ko natiis. Hindi ko nalang pinaalam sa gf ko pero back to normal kame ng friend ko. To cut the story short, litong lito nako ngayon. Siguro na predict nyo na na maiinlove ako sa kaibigan ko sa takbo ng kwento ko. Pero ako, I really can't tell. Alam ko mahal ko naman gf ko eh. Pero I can't explain kung ano tong nararamdaman ko. Ayokong magkunwari sa gf ko na masaya ako, na wala akong tinatago sa kanya. Ayoko na uli lokohin siya. Gusto ko munang mapag isa. I really want a break. Pero hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanya. Sinabi ko na sa friend ko yung tungkol dito pero hindi niya alam na siya yung dahilan kung bakita gusto ko munang hanapin sarili ko. She asked mo kung bakit hindi ko magawang sabihin sa kanya. I just told her na I don't need her help now, not on this one. I might as well ask our avid readers on this page. I'm really confused. Sana matulungan nyo ko.
Scholar
2012
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila