Kuwentong Morayta.

1K 4 0
                                    

Kuwentong Morayta.

Miyerkules. 5:30 ng hapon. Walang klase ngunit naglagi sa faculty room mula 11:00 hanggang 5:00 ng hapon upang mag-encode ng final grades.

Pagkatapos ay binalak nang dumiretso sana pauwing Taft ngunit naisip papalitan muna ng baterya sa Merriam ang relong di na umaandar ng siguro'y magdadalawang araw. Mabilis lang ang gawa ng suki nang tagapalit; wala pa yatang dalawang minuto.

Pagkaraan sa Jollibee'y tila nag-aanyaya ang lugar para magmeryenda. Wala halos tao na kabaligtaran ng pangkaraniwang mga araw.

"Sa C2 nga po, breast part, at macaroni soup na side dish. Thank you."

"Drinks, sir?"

"Iced tea, less ice, please."

Di pa man nauubos ang nilalantakang balat ng manok nang biglang may humiyaw sa katabing bandang kaliwa ng kinauupuan. Lahat halos ng tao'y nagtinginan.

"Bakit mo ako binuhusan ng iced tea?! Tang-ina mo a!" histerikal na hiyaw ng babae sa kasamang lalake. Malamang sa malamang na ang dalawang kabataa'y magkasintahan.

"Malandi ka e. Akala mo di ko nababasa texts mo sa kanya, ha?" hagulgol ng nanggagalaiting lalake.

Lumapit naman agad ang guard upang awatin ang mala-soap operang eksena ng mga 'artista' at pilit silang pinalalabas.

"Walang forever!" sigaw ng isang lalakeng nakapam-PE ng pulang parang jogging pants na may tatak UE.

Napuno ng tawanan ang store.

Moral of the Story: Kapag galit sa jowa, 'wag ibuhos o pagdiskitahan ang iced tea. Sayang ang pera. May service water namang puwedeng hingin diba? O kaya'y macaroni soup para medyo mainit-init pa.

🙊

PS: Sa Prof ko to dati. Credits ko nalang sa kanya. (c) Prof. Macugay

Engr Frosh
2015
Other
FEU Tech (FIT)

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon