Busog Lusog

1.7K 12 0
                                        

Busog Lusog

""Busog Lusog"
Hi. I'm from FEU Cavite and you can call me Queen B. It was my first time na makapunta sa FEU Main noong Victory Party and I was really amazed. Since hindi naman ako nakatira sa Manila, there's a lot of differences talaga when it comes to environment. I'm not saying na mas maganda yung environment ng Main rather than sa Cavite or vice versa. Ang gusto ko lang i-point is that nung time na we got in there sa may gate 4 since we're late at hindi na nga nagpapasok, nung time na nagipon-ipon yung mga students sa gate para pagbuksan sila ng gate, ang tanging nakita ko lang sa paligid ko ay mga nagppogian at naggandahang students from different branches siguro yun ng FEU. Yung feeling na kahit saan ka tumingin, mabubusog na yung mata mo. Yung feeling na kahit di ka na pumasok sa loob, sa labas pa lang nag-enjoy ka na. Since hindi na nga nagpapasok doon sa may gate 4, we decided to change our location sa ibang gate dahil nagbabakasakali kami na bukas yun or what. Then while we're walking going sa mga gates, hindi ko talagang maiwasang mapatingin sa mga students na nakakasalubong ko. Hahaha. Para akong taga-bundok na bagong salta sa siyudad (naks! Hahaha). Pinipigil ko nalang yung ngiti ko kasi amaze na amaze talaga ako.
Sa Gate 2
Nakarating kami sa gate 2 nang naglalakad at nag-eenjoy. Gano'n pala yung feeling kapag sa Manila nag-aaral. So habang naghhintay kami sa gate 2 na pagbuksan kami, ang cctv (mata) ko ay gumagana ng lubusan. I really cant stop looking at people talaga kasi parang yung mga nakikita ko sa facebook, instagram at twitter ay parang nakikita ko na ng personal at natuwa naman ako.
Sa loob ng Quadrangle
Kung sa labas pa lang ay busog na busog na ko sa mga nakikita ko, what more nung nakapasok na kami sa loob? Bago kami nakapasok sa loob isang hindi malilimutang eksena ang nangyari. Since sa gate 2 ay may mga dumadaang kotse galling sa loob, siyempre pagbbuksan yun ng gate para makalabas. Nung time na may lumabas na kotse, ginrabbed na naming ang opportunity. Nagsama-sama ang buong lakas naming mga students para makapasok sa loob at mapatalsik sila papa guard. Sorry po mga guard ha? We really wanted to go inside kasi saying naman ang pagpunta naming kung hindi kami makakapasok. Hahaha.
So yun na nga. Nakapasok na kami. And guess what, mas gusto ko nalang titigan yung mga students kaysa sa highlight ng party. Yung naabutan nalang namin is yung band ng spongecola tapos yun. Umikot kami sa educ building ba yun tsaka yung sa law. And it feel like nasa Harvard University ako. Ang ganda ganda talaga hindi lang ng environment pati na din yung mga tao. Haha. Hoping nga ako na makakakita ako ng kahit isang FEU famous or pride pero epic failed. Meron naman. Si juankulot sa instagram. nakapagpa-picture pa nga ako at tuwang tuwa talaga ako. haha.
Yun lang. sana kayo naman mag-visit sa FEU Cavite para makakita din kayo ng kakaibang ganda at pogi ng students at pati narin ng environment. Busog lusog talaga!"

Queen B
2015
Other
FEU Cavite

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon