Dorm

2.9K 39 2
                                    

Dorm

"Magisa lang ako sa dorm nun kasi yung roommate ko umuwi sa province nila. Gabi na rin yun, hindi naman ako matatakutin kasi di naman mukhang nakakatakot sa dorm kahit tahimik at laging nasa room lang yung mga ibang naka dorm doon.

Nanonood ako nung time na yun tas may biglang kumatok sa door ko, 3 na knock yun. Binuksan ko pero wala namang tao. Medyo natakot ako pero inisip ko nalang na guni guni ko lang yun haha. Biglang kumatok ulit, hindi na ko natakot nabwisit nalang ako kasi nanonood nga ako pino-pause ko pa yung pinapanood ko. Binuksan ko yung pinto wala pa din. Bumaba ako tinignan ko kung may tao wala naman...

Mga tatlong beses paulit ulit na ganito kaya natatakot na ako dahil nga baka minumulto na ako. Magisa pa naman ako nun tapos gabi pa kaya mas lalong nakakatakot.

Nung papasok na ako sa room ko may biglang bumulong sakin ng ""shhhh"" sa right ear ko sobrang lapit. Kinilabutan talaga ako ayokong tumingin sa likod ko pero nilakasan ko lang loob ko at pagtingin ko....

YUNG BOYFRIEND KO PALA NAKANGISI PA TAPOS TAWA NG TAWA -_______- HINAMPAS KO LANG NAMAN SIYA KASI NGA TAKOT NA TAKOT NA AKO HAHAHHA. Pero pagtingin ko may bitbit siyang cake at dala dala yung paborito kong ulam na afritada na siya pa nagluto :""""""> HAHAHHA Kain daw kami kasi alam niyang tinatamad ako magluto kapag magisa lang ako. Ayun habang kumakain kami tawa pa din siya ng tawa kasi sa taas pa pala siyang floor nagtago tapos nakikita niya yung pinag gagawa ko nung lumalabas ako ng kwarto para tignan kung ano yung kumakatok."

rosie
2013
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon