Tropang tunay

1K 15 0
                                    

Tropang tunay

An open-letter to my college tropas

Carlo, Allen, Junie, Bobong, Ian at ronnie! Miss ko na kayo mga pre! Halos apat na taon narin tayong hindi nagkikita kita. 😢 Ang gay ko ba?

Miss ko na yung mga trip natin nung college. Biruin niyo, magkasama na nga tayong lahat sa classroom dahil magkakaklase tayo, magkakasama pa tayo sa apartment ng buong apat na taon.

Naaalala niyo pa ba yung mga kopyahan. Yung pantitrip natin kay Prof Bangs sa literature. Yung pag ca-cutting classes natin. Absent isa, absent lahat. Yung mga inuman. Pakikipag suntukan ng tulong tulong kapag napa trobol.

Naaalala niyo pa ba yung mga wrestlingan natin sa apartment? Yung tipong para tayong mga elementary students na kapag walang magawa meron tayong kanya kanyang pangalan na wrestler tapos ako si John Cena, si Ronnie si Bigshow, si Junnie si Undertaker etc tapos mag bubugbugan tayong lahat. Sakalan. Mga mukhang tanga lang diba. Hahahaha!

Yung mga araw na nagtutulungan tayong pito kapag nanliligaw ang isa satin. Nag tutulungan tayong pito gumawa ng mga surprises sa mga college girlfriends natin.

Naalala niyo pa ba? Yung mga takipan natin sa kanya kanyang magulang natin kapag may ginawa tayong kasalanan. Yung panonood natin ng P kapag tag lamig. HAHAHAHA! Yung sabay sabay nating pag iyak nung namatay yung mama ni Carlo. Para tayong mga bakla pero dahil napa iyak si carlo, iyakan na lahat.

Miss ko na kayo. Kapag nababasa ko yung kwento ni Timo naluluha ako kasi naaalala ko kayo. Sobrang gay ko na oo na. T*ngina kasi bat di tayo pwedeng magkakasama parin.

Hwang Min Liang aka Carlo ingat ka sa mga racist diyan sa New York. Ikaw naman ronnie tigilan mo na pagiging torpe mo, tanda mo na wala ka paring girlfriend. Junnie, nakita ko wedding photos niyo sa facebook. Ninong ako ah? Bobong hahaha! Salungat ng pngalan mo, good luck sa pag te-take mo ng bar exam pre! Pa notaryo pag nakapasa ka ah? Ikaw ang pinaka matalino samin. Kung di dahil sayo, di kami gagraduate. Hahaha. Ian, bagong girlfriend nanaman ah? Allen awat sa kakaanak. Taon taon pre? HAHAHAHA!

Ako naman eto okay lang. Homesick na homesick na dito sa London. Pagod na pagod mag alaga sa mga matatanda sa Nursing home. Sana pag uwi ko next year may reunion na.

Ang drama ko. Ayaw kong i-send to mismo sa inyo dahil mumurahin nyo lang ako at pagtatawanan hahahaha mga ulul. Alam kong mababasa niyo to reader din kayo dito eh! Ingat mga pre!

Jay
2008
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon