FEUSTrongFriendship

1.2K 9 0
                                    

FEUSTrongFriendship

"Sabi ng mga kaibigan ko, daig ko pa daw ang babae, kasi dapat sila yung mas gumagawa ng mga scrapbook, love letters, notes, tapos mag pipicture ng stolen shot then ilalagay sa scrap book, yung bawat meet namin may remembrance ako, like, resibo nung first meet namin, at kung ano ano pa, yung ""Jgh. Goodnight"", ""I wanna see you."", ""Gooodmorning Gorg!"" na nakasulat sa papel, pero ako yung mas gumagawa, na hindi ko alam kung bat ako nagsusulat non. Nakasanayan na? Siguro? Everytime kasi na namimiss ko sya, ganun ginagawa ko. Gusto ko tong itago at ipunin lahat para pag dumating sa point na gustuhin nya ko at maging kami, ipapakita ko sa kanya lahat.

Sa ngayon, ineestablish namin yun friendship, yung tipong friends lang talaga.
Friend, Di ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na buwan, at taon. Hindi ko alam kung magiging tayo or what, pero desidido ako na hintayin ka na maging ready, at patunayan na deserving ako para sayo. Hindi ako mag ppromise ng kung ano ano, basta ang kaya ko lang ipangako ay yung, hindi kita mamadaliin, gusto ko makapag tapos ka ng pag aaral mo bago ko umextra sa buhay mo. Yun lang.

Admin, please give me a chance. Wala eh. Inlove eh haha thankyou, kung mapost man or hindi, pero sana."

Karl
2015
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon