Bulakbol / Sorry Mommy

1.1K 6 0
                                    

Bulakbol / Sorry Mommy

"(FEUSF Sana mapost to kase dito lang ako may tapang na humingi ng sorry sa mommy ko at grandparents ko at sabihin sa mga nagbabasa dito na habang nabubuhay pa mga magulang niyo mahalin niyo sila at ipakita niyong mahal niyo sila.)

Ganito kase yun, napaka tamad ko magaral since elem di na talaga ako pumapasok umaabsent ako ng 2 to 3 months ng tuloy tuloy ganon papasok lang ako pag may exam pag pinapatawag ako ng teacher namin na pumasok na daw ako.

Single parent mommy ko kase patay na si daddy grade 1 palang ako. Tatlo kaming pinapaaral ng mommy ko nakikita ko hirap niya para lang mapag-aral ako ngayong kolehiyo.

Palipat lipat ako ng paaralan ngayong kolehiyo DWC, PMI, FEU.

Galing ako ng Divine Word College ayoko ung naunang course ko na engineering kaya d ako pumapasok nuon puro computeran kaya puro bagsak ako nuon, lumipat ako ng PMI Q.C nag Marine Transportation ako di nanaman ako pumapasok kaya may mga bagsak nanaman ako.

Lumipat ng FEU dahil ayoko na sa Marine kaya nag Tourism ako pero nagkanda bagsak bagsak nanaman ako dahil sa dami ng absent muntik ako makickout dahil sa dami ng bagsak ko kaya mapipilitan nanaman yung mommy ko na ilipat ako sa La Salle CSB pero sa awa ng diyos pinayagan parin akong magenroll this 2nd sem sa FEU pero sa tingin ko puro bagsak nanaman ako kase minsan lang ako pumasok dahil deretso sa wargods o pacific para magcomputer minsan bilyaran. This sem anim lang subj ko mukhang maswerte na kung may tatlong pumasa.

Binibigay lahat ng luho ko para lang pumasok ako pero patuloy ko padin silang niloloko alam ko napaka walang kwenta ko hindi ko manlang masuklian mga pagod ng nanay ko.

Aaminin ko binalak ko magshift ng BS Aviation Major in Flying sa Airlink pero napagisip isip ko 1st year nanaman ako pag nagshift ako sabi ng mommy ko nung sinabi ko un tapusin ko muna yung course ko ngayon saka magaral nalang daw ulit ako.

Sa lahat ng kagaguhan ko hindi parin sia sumusuko na pagaralin ako kahit nagkanda bagsak bagsak nako at nagbubulakbol nandiyan padin siya di ako pinapalayas ng bahay kahit lagi kaming nag aaway nasasagot sagot ko siya ako pa yung madalas galit pag ako yung may kasalanan napagbabagsakan ko nanga siya ng kamay minsan pero kahit ganon di siya gumaganti at never pa niya akong pinagbagsakan ng kamay ni kahit sampal oh hampas wala.

Napaka walang kwenta kong anak. Hindi ko manlang masabi sakanya na mahal ko siya kase madalang lang kame magusap pag uuwi siya galing trabaho natutulog kagad dahil sa pagod hindi manlang ako makahingi ng sorry sakanya sa lahat ng nagawa ko dahil nahihiya nako sakanya hindi ko magawang yakapin siya o kahit ano pati na din sa grandparents ko na laging pinapatawag nuon sa school nung elementary at highschool palang ako dahil busy ang mommy ko sa trabaho.

Gusto kong grumaduate habang buhay pa ang lolo at lola ko kase sila ang nagpalaki sakin gusto kong makita nila na may bunga yung pinaghirapan nila, na may patutunguhan yung apo nilang matigas yung ulo gusto kong maipagmalaki manlang nila ako balang araw na kahit bulakbol ako sa awa ng diyos nakagraduate ako.

Habang nabubuhay pa mga magulang niyo pasalamatan niyo sila sa mga paghihirap nila sainyo wag nyong antayin na huli na ang lahat bago kayo magpasalamat at sabihing mahal niyo sila.

I love you Mommy sorry sa lahat ng nagawa ko. Promise magseseryoso nako sa studies ko ayoko ng maging first year ulit nextsem mukhang mas mau una pang gagraduate sakin ung mas batang kapatid ko dalawang taon ung pagitan namin pero pag nagshift ako batch na kame. Lol"

Jowmel
2015
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon