His sacrifices

1.1K 31 0
                                    

His sacrifices

Nagkasakit ako. Leukemia. Isa nanamang pasanin sa lola at lolo ko na sabay nagpalaki sakin. Patay na kasi magulang ko. Namatay pareho sa car accident nung bata pa ako. Buti nalang at may lola at lolo ako at may boyfriend kaya ni minsan hindi ko naramdaman na walang nagmamahal saken.

Third year college ako nung madiagnose na may leukemia raw ako. Akala ko normal na maputla lang ang balat ko. Akala ko yung mga pasa ko nabunggo lang sa kung saan. Akala ko yung hilo at pagsusuka dahil lang sa stress sa pag aaral. Pero mali ako.

Hindi kami mayaman. Nakapag aral lang ako sa FEU sa pagiging full scholar ko. Libro na nga lang hirap na hirap pa kaming bilhin. Kaya umaasa nalang sa photocopy at libro ng katabi.

Fourthyear ng patigilin ako sa pag aaral. Kalagitnaan ng first sem. Nahimatay ako sa klase. Sabi ng doctor hindi ko na raw kayang pumasok. Kailangan ko naraw i-confine sa ospital at uminom ng katakot takot na gamot at therapy. Saang kamay ng Dyos naman namin kukunin ang pera pambayad dun? Lola ko mananahi lang. Lolo ko jeepney driver. Hanggang sa nalaman kong ang boyfriend ko ang nagbayad ng first bill ko sa ospital. Halagang 40 thousand.

Hindi rin sya mayaman. Scholar lang din siya kagaya ko. Lumaki siya sa tita niya. May ibang pamilya na kasi ang mga magulang niya. Pareho kaming lumaki ng walang magulang. Kaya siguro bagay kami. Saan naman kukuha ng pera yun? Tanong ko sa sarili ko.

Kinausap ko siya. Pano mo binayaran? Nanghiram daw siya. Pangalawang bill na sakop ng tatlong buwan ko sa ospital siya parin ang nagbayad. Halagang 60 thousand pesos. Nagulat ako at nagtaka. Tinanong ko siya ulit kung saan galing ang pera niya. Nanghiram daw ang tita niya.

Pang apat hanggang pang anim na buwan ko sa ospital napapansin kong hindi na siya masyadong dumadalaw. Madalas tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. At kapag sinasagot, agad siyang nagpapaalam. Para bang ang daming pinagkakaabalahan. Dumating ang fourth anniversary namin na wala siya. Tinawagan ko siya pero nakapatay ang cellphone niya.

Dun ako napaisip na, baka may iba na siya. Baka pagod na siyang alagaan ang isang baldadong katulad ko. Ang sakit sakit at gabi gabi akong umiiyak. Pakiramdam ko lahat ng kamalasan sa mundo ibinigay sakin. Pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko iniiwanan ako. Tapos nagkaroon pa ako ng ganitong sakit na isang araw pwede akong mawala. Dumating sa point na ayaw ko nalang uminom ng gamot para mamatay na ako. Ayoko kasing nakikita ang lola at lolo kong umiiyak dahil sakin. Matatanda na sila para masaktan pa sa nakikita nila.

Pero naisip ko na, bakit ako susuko? Ayokong iwanan ang mga taong nagmahal at nagpalaki sakin. Naging matatag ako. Nilabanan ko ang sakit ko. Ipinakita ko sa kanila na okay lang ako. Hanggang sa naging okay na nga ako. Ilang buwang gamutan sa ospital. Ilang daang libo ang nagastos. Sinabi nalang ng doktor na pwede na akong ilabas. Masayang masaya habang naluluha kami ng lolo at lola ko dahil sa magandang balita.

Napatigil ako. Napaisip. Kamusta na kaya siya (boyfriend ko)? Ilang buwan narin ng huli kaming magkausap. Siguro masaya na siya sa iba. Goodluck nalang sa kanya.

Isang buwan akong nagpahinga sa bahay namin saka ko lang sinubukang lumabas ulit. Unang araw ng paglabas ko pinuntahan ko ang bahay ng boyfriend ko para malaman kung kamusta na siya at pra makita niya rin na okay na ako. Hindi ako umaasa na babalik sa dati ang relasyon namin. Gusto ko lang magpasalamat sa tulong na nagawa niya.

Pero pag dating ko sa bahay wala siya. Tita niya lang ang nandoon.

Binigyan ako ng address na nakasulat sa isang papel at sinabi niyang puntahan ko raw kung gusto kong makita ang boyfriend ko.

Nakita ko siya.

Sa isang masikip at mabahong selda kasama ang mga preso. Ibang iba ang itsura niya. Pumayat siya. Humaba ang bigote at balbas. Halos hindi ko makilala. Naiyak ako sa nakita ko. Naaawa ako at nalulungkot. Bakit nagkaganun siya? Bakit siya nasa lugar na yun?

Nalaman kong lahat ng perang ibinayad niya sa ospital ay galing sa masama. Nag benta siya ng ipinagbabawal na gamot kasama ang kaibigan niyang nag impluwensya sa kanya para kumita ng mabilisang pera. Para lang magkaroon ng sapat ng pera maipambayad sa ospital. Pera para sakin. Dahil sakin.

Iyak ako ng iyak habang humihingi siya ng tawad sakin.

Naisip ko, sana namatay nalang ako agad agad edi sana wala siya dun. Edi sana hindi naghirap ang lolo at lola ko noong may sakit ako. Napaka laki kong pasanin sa kanila.

Aina
2007
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon