Puwing
"Hi FEUSF! Sana naman maipost to. Although hindi naman ako taga-FEU, share lang.
Sa ordinary bus, nakaupo ko sa tabi ng bintana, napuwing tuloy ako dahil sa hangin sa labas, eh di kinusot ko nang kinusot yung mata ko tapos yung lalaki na nasa kabilang upuan biglang naupo sa tabi ko at inoffer yung panyo niya.
NV:
Him: Miss oh, wag ka na umiyak. Nakakapangit yan.
Me: (tinanggihan ko yung panyo kasi meron naman ako) Ay kuya hindi! Napuwing kasi ako eh haha.
Him: ay pasensya ka na hehe.Natapos na dun yung conversation namin. But, sa 5th ave din pala sya baba, kung san dun din ang baba ko. Nauna siyang bumaba, at nung pababa na ko nagulat ako kasi inalalayan pa ko bumaba haha! Namula ako sa hiya that time kasi yung kundoktor biglang sinabi na ""Ingat kayo at magmahalan!""
Jusko! Haha. Nag-aaral siya sa FEU so ang baba niya D.Jose, hindi ko alam kung bakit parang ayaw kaming paghiwalayin ng tadhana, sa D.Jose din kasi ang baba ko. So nagsabay na rin kami. Nagtanungan ng pangalan at kung saan ang punta. Hanggang sa maghihiwalay na kami kasi papasok na siya at ako naman lilipat ng line2.Akala ko hindi na kami magkikita ulit.
Pero mabilis ang tadhana.
6PM, on that day, pauwi na ako, sumakay ulit ako ng lrt pa-recto. Tapos bus sa may tutuban. Pagod na pagod ako nun kaya wala na kong paki sa mundo at umupo na lang sa bus, hindi ko na pinansin kung sino pa ang madaan at makatabi ko. Then in my surprise, biglang nagsalita yung katabi ko.
Him: Oh, panyo, magpunas ka ng pawis mi. Pagod na pagod ka ah? haha.
Me: (omg, yung lalaking nakasabay ko rin kanina) what? Ikaw ulit? Haha! Salamat, may panyo ako haha.At doon, nawala ang pagod ko. We exchanged numbers. We became friends.
And that's how our love story starts.
Ngayon, two years and counting na kami smile emoticon Getting stronger at naniniwala kami sa forever. smile emoticon"
In loved with a Tamaraw
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
Not from FEU