Body shaming
"Eew! Ang taba! Baboy! Yuck!"
Wala kang karapatang manukso na mataba siya o kung ano mang hayop ang ihalintulad mo sa kanya at sa katawan niya. Wala kang karapatang saktan siya. Eh ano ngayon kung mataba siya? Kinaganda ba ng buhay mo ang laitin siya? Yumaman ka ba? Minahal ka ba ng magulang mo? May nagmahal ba sayo? Medyo rude pero ayoko lang talagang may nanlalait sa matataba.
Pansin ko. Sa mga kaibigan kong matataba sila yung madalas mahiyain. Introvert. May pagka anti-social. Naaawa ako kasi alam kong resulta yun ng panlalait ng tao sa kanila at sa katawan na meron sila. Feeling nila loser sila. Mababa ang self-confidence. Hindi ko man ramdam kasi payat ako, alam ko dahil pare pareho sila ng istorya.
Pero silang matataba ang masasarap kasama. Sa totoo lang, halos lahat ng tropa ko matataba. Masiyahin sila. Masarap din silang mahalin. Girlfriend ko ngayon mataba. (secret lang natin yun. magagalit siya pag nalaman niyang tinawag ko siyang mataba. haha!) 5 years na kami. Simple lang siya. Walang ibang alam gawin kundi kumain. Haha! Nakakatuwa siyang makita na sa pagkain lang masaya na siya. Kapag stress, kain. Kapag masaya, kain. Kapag galit, kain. Parang hindi napapagod ang panga sa kakanguya. Wala siyang arte sa katawan. Binalak niyang mag diet noon para maging sexy raw pero sinabihan ko siya.. "Wag mong gawin ang bagay na hindi mo naman talaga gusto para lang sa sasabihin ng iba."
Ayun, never na siyang nag diet. Pero syempre inaalalayan ko para healthy parin ang future wife ko.
Going back, sana bago kayo manukso o ituring silang hindi normal dahil sa katawan nila, isipin niyo muna yung mga kakulangan niyo sa sarili bago kayo mamuna. Sila may pag asa pang pumayat pero yang kokote mong makitid may pag asa pa bang lumawak? Make sense!
Carl
2009
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
