Premature Campaign

1.6K 10 0
                                    

Premature Campaign

Yung batas talaga sa Pilipinas di maganda. Bukod sa walang ngipin, yung mga batas na may kinalaman sa pulitiko mahirap ipasa.

February 9 ang simula ng campaign period pero nagkalat na mga tarpaulin ng mga pulitiko.

February 9 ang simula ng campaign period, pero -Ber months palang naglipana na yung mga TV/radio ads nila.

February 9 ang simula ng campaign period, pero maaga palang nag-iikot na sa buong bansa yung mga pulitiko lalo yung presidentiables. Si Duterte, Poe, Roxas, lalo na yung Binay nagpapaliwanag na sa mga botante.

May problema rin kaya sa media? Biruin mo, wala pang campaign period pero kaliwa't kanan ang invites sa kanila para maipahayag ang platforms. Yung isang senatoriable nga napahiya pa, oh my pills! Wala kasing paghahanda, kasi nga wala pang campaign period, harap na agad sa TV.

Dapat the moment na naghain ng CoC ang kandidato, ke official, unofficial, o nuissance lang, deklaradong umpisa na rin ng kampanya, para bawal na umepal at lumabas sa TV shows/programs kung di lang ads yun.

Pero gaya ng sabi ko, tungkol kasi sa pulitiko yun kaya mahirap maipasa. Parang yung pa-epal bill ba yun o law na, wala kong balita eh. Bawal daw makita ang mukha at pangalan ng pulitiko sa public announcements of projects sa mga tarpaulin. Bawal ang epal, pero nasusunod ba? Hindi, kasi apektado ang maraming pulitiko.

Ganyan yan. Grabe sya este sila.

DEFENDER ng fort SANTIAGO
2009
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Makati

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon