Alam ko

2K 22 0
                                        

Alam ko

Alam kong hinalikan mo ako sa pisngi habang natutulog ako. Alam ko at naririnig ko lahat ng mga sinabi mo nung araw na yun na mahal mo ako at hindi mo kakayanin na mawala ako.

Alam kong ikaw ang lalaking sikretong nag papadala ng loveletters at mga bulaklak sa classroom ko.

Alam kong ikaw ang sikretong gumawa ng project ko.

Alam ko Dom kasi bestfriend mo 'ko. Alam kong matagal kanang may pag tingin sakin na hindi mo maamin amin kasi natatakot ka sa magiging sagot ko.

Dom, gusto din kita.

Hinihintay lang kitang magkaroon ng tapang na sabihin ang lahat ng nararamdaman mo. Hinihintay lang kitang labanan yang kaduwagan mo at mangibabaw ang pagmamahal mo sakin kesa diyan.

Once na mabasa mo 'to sana sabihin mo na. Nandyan si TJ na ginagawa ang lahat para mahalin ko din.

Sana hindi mahuli ang lahat para sating dalawa. Sana wag mong sayangin ang panahon.

Aya
2013
IAS
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon