"Girls bat ganyan kayo?
So eto ang kwento. let me tell something about myself muna. Semi-gwapo guy ako. Medyo may kaya family namin may sariling oto ako, mabait, sweet, todo effort makita lang si ex. Pinaglaban ko sa lahat ng tao maging sa family ko. Papakasalan ko na nga eh. I gave her everything I could. Yung mga relationship goals na nakikita sa FB? Nagawa na namin yun. We've been to places na biglaan, ilang beses na kami nag runaway. We were a perfect couple.
Pero wala nga palang PERFECT diba?
Nandun kami sa ""comfortable"" stage eh. Tapos one thing led to another, we became too comfortable which ended up sa break up namin. No...walang away, walang conflict, wala akong third party. Pero EWAN ko sa kanya kung meron siya.
The thing is may ""sumpaan"" kaming dalawa. Yes, siya nakipag break for reasons even NASA cannot find. Ang ""sumpaan""? we will become bestfriends, ipapaalam lahat ng nanyari, pwede manligaw at pwede magpaligaw PERO dapat walang hihigit sa pagmamahalan naming dalawa. Bullshit diba? Hahaha ang stupid ko na naniwala ako sa kalokohan na yun. Syempre unang sampa sa break up namin ganun pa nanyayari. Then eto tumagal, dumidistansiya siya. Nasa isip isip ko ""why?!"" Hanggang sa dumating yung time na wala na talaga siya. Di na nagparamdam.
Ang sakit lang eh. Kasi ako mahal na mahal ko pa yung ex kong yun. Na kahit ginawa akong parang stranger na dinaanan lang at hindi man lang pinansin"" hahaha. Para sa ex ko, kung mababasa mo to. I love you. Mahal na mahal. At pinapatawad na kita sa lahat ng mga posibleng sinabi mo sa mga friends mo after nung break up natin. Pinapatawad na kita kasi di ka man lang umiyak nung naghiwalay tayo. Pinapatawad na kita sa hindi mo pagkapit. Sabi mo tayo ang forever. Sabi mo babalikan mo ako. Pero sige. I'll try to hang on to that.
Ngayon eto ako, di na naniniwala na love exists. Stupidity exists. Kasi napaka tanga ko na naniniwala pa din ako sa kanya. Napaka tanga ko na naniniwala akong minahal, mahal, at mamahalin pa niya ako.
Para sa bago mo. Di ko alam kung bakit siya nag downgrade. Anong gayuma pinainom mo ha? Haha jokes. Alagaan mo siya dahil siya lang nagpatibok ng puso ko. She's the best thing that ever happened to me so far. Malaman ko lang na niloko mo siya, sasagasaan kita ng kulay puting kotse para maging pula na siya. Libreng change color.
Salamag sa pagbasa at nailabas ko sama ng loob ko. Haha ciaooo"
Pitongputputingkotsengputi
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila