First Love
"Nung teenager ako. Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko ibibigay ang lahat ko sa isang lalaki. I have seen my friends cried because of their ex boyfriends. The assholes cheated on them, said hurtful words that made my friends feel like shit, and treated them so badly. My friends cried and cried in front of me. Nakita ko kung anong damage yung dinulot ng mga ex nila sa kanila. As in sirang sira sila. Kaya after ko makita silang ganun, talagang prinomise ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang mawala ang utak ko dahil sa pag ibig, until makilala ko siya.
I met him after ko gumraduate. Office romance. Sabi niya na love at first sight siya sakin. Pero di ako naniniwala sa love at first sight. Inisip ko baka infatuation lang. Until napatunayan niya na love niya talaga ako. Since bawal ang relationship sa office, hindi namin tinuloy. Pero nag resign ako after ilang months. That's when we started dating. Tanga na kung tanga. Pero hindi kami dumaan sa process ng panliligaw. Ilang days pa lang kami lumalabas, naging kami na. Siguro dahil sa thrill. Since first time ko to. Na excite ako na gawin yung mga ginagawa nang couples for the first time. He's my first everything. I gave him everything. Kinalimutan ko sarili ko. Kasi mahal ko siya. Sinusunod ko gusto niya kahit labag sa loob ko. Kasi mahal ko siya. Nag makaawa ako nung nakipag break siya sakin. Kasi mahal ko siya. Pero nakakapagod pala. I am mentally and emotionally exhausted. Pero I do not wanna give up. Kasi mahal ko siya. Sabi ng utak ko isipin ko naman yung sarili ko. Magtira naman ako para sa sarili ko. Pero mas laging nanalo ang puso ko. Di na worth it pero di ko kayang iwan. Sabi ko sa sarili ko dati, pag nag ka boyfriend ako, utak ko pa din ang paiiralin ko. Sarili ko pa din ang uunahin ko. Pero parang kabaligtaran ang nangyari sakin. Lagi ko ginagawang excuse ang love kahit alam kong katangahan na to. I don't like this. I don't like me anymore. Ang tanga tanga ko. Pero mahal ko eh. Di ko kayang iwan."
Ms. S
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
