Sorry Jessy Mendiola Tawile

1.5K 17 0
                                    

Sorry Jessy Mendiola Tawile

Classmate ko si Jessy noong college. Masscomm kami nun. Siya ata ang pinaka maganda sa batch namin. Sobrang mestiza. Mala-anghel ang mukha. Mahinhin. Maganda. Ang dami daming nanliligaw sa kanya noon. Sino ba naman kasing lalake ang hindi mapupukaw ang mata kay Jessy? Sobrang head-turner. Konting konti nalang sobrang perfect na. Lalo na tuwing ngumi-ngiti siya. Para kaming pinapana ni kupido sa puso sa sobrang fall sa kanya.

Hindi narin kami nag taka nang madiscover siya bilang isang aktres. Sa mga play namin sa school, isa siya sa madalas napupuri ng mga professors namin. Napaka dedicated niya at makikita talaga ang passion niya sa pag arte noon pa lang. Marahil, alam ko na kung anong tumatakbo sa isip niyo. Sino ba ako? Well, Isa ako sa ilang daang lalaki na pumila at nangarap sa kanya. Medyo malaki nga lang ang difference ko sa kanila kasi ako, nabigyan ako ng chance.

Naging kami ni Jessy. Tandang tanda ko pa noong sinagot niya ako sa ilalim ng pinaka matandang puno sa gitna ng Freedom Park kung saan kami palaging nag me-meet. At ako na yata ang pinaka maswerteng lalaki sa buong mundo noong panahon na yun.

Si Jessy as a girlfriend? Maalaga siya. Malambing. Maalalahanin. May pagka-clingy kasi gusto niya noon, palagi kaming magka usap sa phone at magka-text. Haaay. The old times.

Siya yung tipo ng babaeng hindi expressive sa tunay niyang nararamdaman. Kapag galit siya sakin tahimik siya. Malalaman ko nalang na may problema kapag napansin kong wala siyang imik sa mga kwento ko. Ihu-hug ko siya tapos makikita ko nalang, umiiyak na siya then saka niya sasabihin yung problema na kinimkim niya.

We almost had a perfect relationship seriously, but sh*t just happened.

I've cheated on her. Well actually that was unintentional. I was drunk. I had s*x with another woman that I just met in a party. I don't know what happened. I was unconscious.

The next day, nakarating na kay Jess ang nangyari. Ikinwento ng isa sa mga nanliligaw sa kanya na nandoon din sa party.

I don't know if that was a set-up made by her suitors para sirain ang relationship na meron kami ni Jessy. But still, that was my mistake. Nag padala ako sa temptation. Hindi ko manlang siya inisip. Hindi ko man lang inisip na masasaktan siya kapag nalaman niya. So I don't have the right to blame her. Kasi ako ang sumira ng relasyon namin. Iyak siya ng iyak. Nakipag break siya ng hindi manlang nakinig sa side ko. Pero lame parin naman ang excuses ko kung sakali.

Dahil sa isang gabi na katangahan ko, nawala siya sa buhay ko.

Ganon talaga siguro. Hindi siguro kami para sa isa't isa. Tanggap ko na naman yun. Tanggap ko na, na isang magandang memorya nalang siya sa buhay ko.

Sorry Jessy. Goodluck nalang sa career. I am very happy for you. smile emoticon

Ex ni Jessy
20**
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon