Celebrity meets Ex-Seminarian

5.4K 134 10
                                    

Celebrity meets Ex-Seminarian

"1993. First Sem-
First day of class, as usual maingay Kasi nagkita-kita na naman ang mga buwang at gago ng block section ng SA26 Med Tech Students.

But wait, may bagong mukha sa klase. Gwapo pero Mukhang matino kaya pansinin. Magalit na mga kaklase ko pero Wala kang makitang matino.hehehe. Well maraming gwapo sa section namin pero mga gago, Makulit at isip-bata. But this guy, tahimik at keen-observant. Ang Sipag ng mata magmasid sa loob ng classroom, eh ala naman espesyal sa loob ng kwarto. Puro vandalism nga!

Hanggang tumama ang mata niya sa mata ko... I smiled but the hell of the man didn't smile back! Napahiya ako! At sabi ko sa sarili ko; looks can be deceiving. Gago Rin pala ang isang Ito. Inisnab si celebrity! Ako yun! Ako si celebrity!
Clarification lang po, Hindi ako artista but my classmates used to call me celebrity Kasi mahilig akong magpa-star! Pati pagsasalita ko, may arte. At magaling ako sa punchline. Everybody loves my wit. That's what you called ""talent"". Hehehe

Back to this supladong transferee! Yes, napipiho kong transferee siya dahil bukod tanging siya lang ang di ko kilala at bagong mukha Talaga. Nakita ko siyang kinausap ni Brent ( not his real name. Masyado nang given ang kwento Kapag binigay ko ang totoong pangalan niya. Mabubuking ako ng mga college friends ko at ayokong tuksuhin nila ako. Too old for that!) Sabagay, si Brent ang Mr. Friendship ng klase kaya no wonder, kinakausap siya ni Mr. Transferee. S'yanga pala, bukod sa celebrity ay may isa pa akong bansag; ako Rin pala si ms. Eavesdropper. smile emoticon Hindi naman kalayuan ang pwesto ko sa Dalawa kaya nalaman ko na dati palang nag-aaral sa semenaryo Itong si Transferee at ang pangalan niya ay Gio ( not his real name, also. Baka mabasa pa ng asawa niya Ito ay bigla akong awayin! Subukan lang niya! Hahaha)

Anyway, balik tayo sa kwento ko, Hindi ko maintindihan Kung bakit inis na inis ako na di niya ginantihan ang ngiti ko! Feeling ko, nasaktan ang ego ko! And I want to get even! Humanda kang ex-seminarian ka, you will experience how the celebrity do the revenge!

Kinabukasan Maaga akong pumasok. Bakit kanyo? Siyempre, may binabalak ako Kay Gio! Kailangan mauna akong pumasok kesA sa kanya. Dahil naibigay na Kahapon ang sitting arrangement namin, alam ko Kung saan siya pupuwesto pagdating niya, in front of my seat!

Nagsimula ng magdatingan ang mga classmates namin. Maingay na naman. Kanya-kanyang bidahan ng kwento. First time kong di nakisali sa kaguluhan. Papatayin ako ng anticipation! Bakit ba Wala pa ang ex-seminarian na yun?! Panay na ang tingin ko sa relo ko. Aba lahat ay nagdatingan na, siya na lang ang Wala. Baka mamaya maunahan pa siya ni Mr. Ang; our professor.

Pero Heto na, nakita ko na sa bungad ng pinto si ex-seminarian! Shit, ang pogi! At nakangiti sa gawi ko! Yun ang akala ko,dahil nung gumanti ako ng ngiti parang di naman siya sa akin nakatingin! Lumingon ako, si Brent pala ang kangitian! Di kaya bakla ang hunghang! Nakaka-2points na siya ng pagpapahiya sa akin ah!

Ayan na, lumalapit na siya sa upuan niya. Matapos ipatong ang binder notebook sa may armchair ay umakma ng uupo pero dahil Plano ko na Talaga Ito, (Kahapon pa! nilaro ko na nga sa isip ko Kung ANO ang gagawin ko sa isnaberong ex-seminarian) ubod lakas kong hinila ang silyang uupuan niya kaya ang Ganda Talaga ng pagkakabagsak niya sa sahig! Parang palakang kokak na nahulog sa bangin!hahaha
Ang lakas ng tawanan ng mga kaklase ko at pinakamalakas ang sa akin! Buti nga sa yo! Hambog ka Kasi, Sukat isnabin mo si celebrity! Ako yun! Ako yun!

Nakita ko na Medyo Hirap siyang tumayo, masama yata ang naging bagsak niya. Ala Salitang namutawi sa kanya. Tiningnan lang niya ako ng masama at inayos ang upuan niya. Sinigurong hawak ang upuan bago umupo! Natakot Siguro na Baka hilahin ko Ulit! At Balak ko talagang gawin Ulit! Kaso useless nang ulitin dahil ang higpit ng hawak niya sa armchair! Nakakainis ang talim ng tingin niya sa akin. Ewan ko ba? Bakit ba ganito ako ka-affected sa pag-iisnab niya sa akin?

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon