3days shopping

1.7K 31 0
                                    

3days shopping

"Yong girlfriend ko,one time inaya nya ako sa divisoria para bumili ng mga pang gifts para sa christmas party nya pati na rin yong isusuot nya.
1st time nya akong inaya na mamili dun kasi sakto lang daw yong budget nya ska para marami daw syang mabili. Well sbi ko naman sa sarili ko kunti lng naman mga bibilhin nya mga 2 to 3 hours tapus na siguro kami mamili.
HANEP 3days kaming namili sa divisoria...............

1st day
pagbaba na pagbaba namin ng jeep tuwang tuwa sya ang dami nya kasing nakikitang mga cute na bagay tulad ng wallet na BAYMAX tapus pinipisil pisil pa nya with sounds pa yon ah!(totot toooooot). Ako namn tuwang tuwa sakanya kasi para syang baby na turo ng turo.
At bago kami makarating sa tutuban 10 stall siguro ang tinigilan namin kasi may nakikita syang mga damit ska toys na cute.
After that(atlast nasatutuban nadin).
Pag pasok na pag pasok namin may nakita agad syang pants sabi nya gusto ko nito cute saka maganda.
Sabi ko naman oonga bagay sayo sige bilhin mo na. Maya maya napa isip sya sabi nya sakin wait parang may mas maganda sa kabilang stall ska mas mura(pumunta kami sa kabilang stall)
Hanggang sa lahat ng stall sa tutuban na pasukan namin. Maraming mga shirt,dress,shoes saka pants na magaganda na nasukat nya at bagay sakanya
Pero wala parin syang napipili.sabi ko lipat tayo sa 999 baka dun may mapili na sya.
HANEP wala parin syang napipili kahit isa.6hrs halos kaming nagpauli uli sa divisoria.
At ang nabili lang namin eh ung wallet na may image ng emoji.
After nun sabi ko sakanya BABS(babs kasi tawagan namin) uwi na tayo kasi 8pm na delikado na saka umuulan pa, tapus biglang yong mukha nya nag baby face na paiyak na sabi nya sakin wla pa akong nabibili BABS.
(Grabe pagod na pagod ako pag papauli uli namin sa divisoria pero sya grabe STRONG).
Inuto ko nalang sya sabi ko BABS uwi na tayo balik nalang tayo bukas saka hanap tayo sa ibang mall na gusto mo.ayon sabay ngiti sakin at sabi ng. Sige huh! bukas balik tayo sabi mo yan......
Kinabukasan (2nd day).
Sabi ko sa girlfriend ko gusto mo ba sa mall nalng tayo tumingin ng mga bibilhin mo, marami din kasing maganda saka mura dun.
At pumayag naman sya.
Pasakay kami papuntang SM manila bigla nyang na alala yong maliit na store sa españa yong SHOPTITUDE.
Ayon dumaan kami mga 30mins din syang tumingin dun at ako naman naupo lng para mag save ng energy para mamaya pag sa-shopping nya,kasi alam kong lilibutin namin ang mall.(napag handaan ko na kasi yan).dumiretso na kami sa SM manila.ayun kumain muna kami nag date syempre special.natuwa naman sya ska nabusog.cute nya talaga lalo na pag naka ngiti kaya araw araw akong na I-INLOVE sakanya heart emoticon.
Ok back na tayo sa pag sa-shopping ng girlfriend ko.
5hrs na nakakalipas,lahat na ng stall na pang babae napuntahan namin wala padin syang nagugustuhan.pagod na pagod na naman ako nun ang sakit sa paa
tapus sya parang may baon na battery yong energizer (niloloko nanga nya akong galit na ang boyfriend ko at pagod na wawa naman)
Sbi ko nga sakanya hilahin nalang nya ako parang si sadness kasi yong paa ko parang mapipilay na.hahaha grin emoticon
At ito ang twist at the end of the day
HANEP tlg wala parin syang nabili kahit isa. Napaka lupit ng girlfriend ko
Nakakaiyak talaga promise.!
Tapus medyo naiinis nako kc marami naman bagay sakanya kht ano isuot nya bagay sakanya kasi subrang ganda nya.
Nong sinabi ko ng uwi na tayo bigla syang umiyak hndi nya kasi makita yong gusto nyang dress(malapit na kasi christmas party nya 2days nalang).
Ako naman nataranta. hala bakit umiyak na sya.ayon todo suyo na ako sakanya niykap ko. sabi ko san mo paba gusto pumunta may time pa naman bukas para bumalik.ayon napatahan ko naman sya tapus bigla nyang sinabi na promise BABS bibili na talaga ako bukas kahit hndi mo na ako samahan.
Ako naman,aba hndi pwedeng hndi kita sasamahan hndi ka pwedeng mag isa delikado para san pa at naging boyfriend mo ako.pagkatapus nun hinatid ko na sya sa bahay para makapag pahinga na.......
Last day (3rd day)
Sigurado nako na makakabili na sya ng mga kailangan nyang bilhin.
Bumalik kami sa divisoria
Pumunta naman kami sa 168
Gaya ng dati marami kaming stall na nadaanan bago makarating ng 168. ATLAST nakapili dn sya ng mga damit saka ng mga pang regalo
Ako naman tumayo lang sa isang tabi tinitingnan sya ng bigla kong napansin parang nag slow mo yong momment na yon.parang nung una ko syang nakita yong mga ngiti nya yong mata nya nagniningning halos gusto nanya tumalon sa subrng saya.

Ako naman bumilis ang tibok ng puso parang lahat ng pagod ko sa araw na yon at sa mga nakalipas na araw eh napalitan ng saya, tuwa para sakanya(SULIT)
Iba talaga ang pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang taong mahal mo worth it lahat ng effort ko
Kaya siguro ARAW ARAW akong na I-INLOVE sakanya dahil sa kakaibang pag uugali at katangian nya sa lahat.

1st time kong naranasan na mag shopping ng 3days straight
What an experience.HANEP!
Ganun ba tlg mag shopping ang mga babae?

FEU-IT
BSECE-4TH YEAR

HAPPY 2nd ANNIVERSARY
12/28/2013"

BABS
2012
Other
FEU Tech (FIT)

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon