Tamaraw Blood
"""Ang tunay na Tamaraw, nagtutulungan.""
Isang araw, kumain ako sa Hepa Lane. Aba't akalain mong naka-tatlong order ako. Pagod na pagod ako no'n kasi project-making namin 'yon. Pagod na yung katawan mo, pagod din yung utak mo.
Nagkasundo kami ng kablock ko sa library para sana magpahinga, magbasa-basa at kung papalarin ay makapwesto ng tulog..
Habang nasa elevator......... NARAMDAMAN KO ANG TAWAG NG KALIKASAN. Pero s'yempre pinigilan ko dahil nakahihiya sa mga tao sa elevator.
2nd..
3rd..
4th..
5th..
6th.. *may bumaba*
7th.. *may bumaba*
8th.. *may bumaba at sumakay*
9th..
10th..
11th..
12th.. *may bumaba*
14th.. *BABA NA KAMI*
Nakaramdam ako ng ginhawa!
Nagpaalam ako sa ka-block ko na magbabawas muna ako. Sanay na sa 'kin 'yun.Iniwan ko yung bag ko sa loob ng library at sinulot sa bulsa ang wet wipes at alcohol ko. Nagmamadali na ako no'n.
Pumasok na ako sa CR.
Ayun walang tao! Tahimik. Napa-thank you Lord ako sa isip ko nung mga oras na 'yun.
Edi sinimulan ko na ang pagbabawas. May mga taong pumapasok at lumalabas pero di ko sila pinapansin..
Napansin ko yung katabing cubicle ko na medyo matagal na din siya do'n. Alam ko nang nagbabawas din siya.
Tapos na ako at magpupunas na lang sana.. NANG BIGLANG MABITAWAN KO YUNG DALAWANG WET WIPES KO NA MAGKAPATONG. Parang slow motion. Last na yung dalawang yun.
May panyo ako no'n kaso bigay 'yun ng ex ko. Ayun nalang dapat gagamitin ko nang bigla kong maisip na may katabi nga pala ako sa cubicle.
Naglakas loob ako na katukin siya..
Ako: Bro may extra ka d'yan na wipes? Penge naman
Sya: *abot ng ilang piraso ng tissue*
A: Uy salamat!
Sya: *di nagsasalita*Di siguro siya nagsasalita kasi nahihiya din siya baka makilala ko siya.
Laking pasasalamat ko nun sa kanya pero di ko lang masabi dahil nahihiya na din ako. Buti kaming dalawa lang tao nun sa CR.
Edi lumabas na ako. Konting alcohol tas konting ayos sa harap ng salamin, nang lumabas din siya. gasp emoticon
Awkward sa CR nun.
Tapos biglang napatawa siya.Siya: Ako naman manghihingi ng alcohol sayo ah. Hahahaha
Ako: *tawa din* SigeNgayon, tropa ko na siya. Hahahaha! Ahead siya sa 'kin ng 2years tyaka Engineering course niya, ako naman IT. Hahaha!
PS: Guys walang masama sa pagtae okay. Human nature 'yon. Sa mga nantitrip d'yan sa mga tumatae, pag nakita ko kayo, gugulpihin ko kayo."
BoyCR
2015
Other
FEU Tech (FIT)